Pinakita ng bagong Revelation cinematic ang isang panibagong Valorant map na temple-themed. Sa umpisa ng trailer, makikita na papunta sa isang jungle temple sina Astra at Harbor sa Western Ghats ng India.
Nakuha ni Fade ang layout ng temple map mula sa mga iilang magnanakaw sa isang nightclub sa Istanbul, Turkey.
Pagkatapos ay ibinahagi ng bounty hunter ang lokasyon ng temple kina Jett, Killjoy, Raze, at Sage. Lahat ng limang Legion agents ay nagpunta sa lost city at nakaharap sina Astra at Harbor.
Matapos ang paglabas ng cinematic trailer, mayroong apat na teasers na nagbigay ng mga pahiwatig at references na maaring hindi napansin ng mga Valorant fans. Ito ang mga nakita namin.
Nasa gubat ang bagong Valorant map
May hawig ang cityscape ng unang teaser video na ito sa lowlife at high-tech design ng Cyberpunk universe ni Mike Pondsmith. Kamukha ito ng Night City ng Cyberpunk 2077, isang makabuluhang metropolis na sinakop ng mga korporasyon at krimen.
Tinukso ni Fade sa maaring isang criminal underworld na, “So many places to run from the dark, but it always catches up.”
Ibinunyag din ng trailer na pinasok din ng initiator agent ang isang nightclub sa Istanbul, Turkey para makuha ang lokasyon ng sekretong jungle temple.
Pinakita naman ng pangalawang teaser video si Omen na ginugupitan ang isang Bonsai tree. Sa likod ay si Sage na pinag-aaralan ang schematics ng isang R-05.
Pinakita ng trailer na nag-battle mode si Sage, matapos niyang patayin ang isang grupo ng training dummy bots gamit ang kaniyang Recon Phantom at butterfly knife.
Maaring isang pahiwatig ang Bonsai tree sa Split, isang fan-favorite map na tinanggal sa Competitive at Unrated queues ng Valorant noong Episode 5 Act I. Para magbigay daan sa pagbabalik ng Split sa patch 6.0, ang bagong Valorant map, Breeze at Bind ay aalis na sa map pool ng Competitive at Unrated.
Isang chess board ay makikita rin sa pangalawang teaser na ginamit ni Cypher sa Warm Up cinematic trailer.
Pinakita ng pangatlong teaser sina Jett, Killjoy, at Raze na nag-e-enjoy ng street food sa Seoul, Korea habang pinapakinggang ang kanta ng trailer na Visions ni eaJ at Safari Riot.
Pinakita ng pang-apat ang panghuling trailer sina Astra, Harbor, at Skye na hinahabol ng mga Atlas agents. Sinusubukan ng trio na makapasok sa lost city. Ngunit nagpaiwan si Skye para mapabagal ang mga humahabol sa kanila, kaya naman si Astra at Harbor lamang ang nakapasok sa Revelation cinematic.
Ayon sa ValorLeaks, lalabas ang bagong Valorant map sa January 11.