Inanunsyo ng Riot Games ang pagbabalik ng Give Back bundle ng Valorant. Ang campaign ay unang ipinakilala noong nakaraang taon, kung saan nakalikom ng tumataginting na US$5.5 million para sa charity.

Nais ng kumpanya na ipagpatuloy ang tradisyon, kung saan ang mga players ay boboto ng apat na weapon skins na magiging kasama sa bundle.

Maaari ring makuha ng mga players ang exclusive Give Back gun buddy, player card, at spray, na magiging available lang kapag nasa in-game store na ang bundle.

Makakuha ng exclusive Give Back Bundle gun buddy, card, at spray habang nagdo-donate sa charity

Mula noong October 21 hanggang 23, hiningi ng Riot ang boto ng mga players kung anong Valorant weapon skins ang mapapasama sa Give Back Bundle. At ngayon, inilabas na ng Riot ang resulta.

Valorant weapon skins at mga accessories sa Give Back Bundle:

  • Neptune Vandal (1775 VP)
  • Gaia’s Vengeance Ghost (1775 VP)
  • Forsaken Operator (1775 VP)
  • Magepunk Spectre (1775 VP)
  • Give Back gun buddy (975 VP)
  • Give Back player card (775 VP)
  • Give Back spray (675 VP)

Ang kumpletong bundle ay nagkakahalagang 6,382 Valorant Points at available muila November 16 hanggang 30. Pwede ring bilhin ng magkakahiwalay ang bawat weapon at accessory.

Ang perang malilikom mula sa exclusive bundle ay mapupunta sa Riot Games Social Impact Fund, isang natatanging philantrophic venture na namamahala ng mga donation campaigns para sa iba’t ibang organizations at charities sa buong mundo.

“The Social Impact Fund is Riot’s nonprofit engine which fuels our collective efforts for global social impact,” sabi ng Senior Manager of Social Impact ng Riot Games na si Jimmy Hahn. “In partnership with ImpactAssets, the fund allows players to have a much deeper reach to help more people in a lasting way.”

“The Social Impact Fund is a separate entity from Riot Games that allows us to make direct investments to organizations around the globe that are working to solve some of the world’s most pressing problems,” paliwanag ni Hahn.

“Donating to international charities is a complex process and this model allows us to reach nonprofits creating a positive impact everywhere our players live. By design, the Social Impact Fund can benefit communities around the world.”

Ayon sa Riot, 50 percent ng kikitain mula sa weapon skins at 100 percent naman ng sa accessories sa bundle ay mapupunta sa Riot Games Social Impact Fund.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.