Maganda ang naging takbo ng 2022 para sa Valorant.
Bumasag ng mga records ang Valorant Champions nang makakuha ito ng 1.5 million viewers nung grand final, at ngayon ang tactical FPS ng Riot Games ay tinanghal na Esports Game of the Year, na tumalo sa kanilang flagship MOBA title na League of Legends.
Ang Cloud9 star na si Jaccob “yay” Whiteaker ay ginawaran din ng Esports PC Player of the Year award, na tumalo sa mga superstars at veterans mula sa League of Legends at CS:GO.
Valorant tinanghal na Esports Game of the Year sa The Game Awards 2022
Unang inlabas noong 2020, mabilis na sumikat ang Valorant bilang katunggali ng CS:GO sa 5v5 tactical shooter genre.
Sa loob lamang ng dalawang maikling taon, ang umuusbong nitong esports scene ay mabilis na lumago, at kinatampukan ng tatlong international LAN events sa Reykjavik, Copenhagen, at Istanbul.
Sa susunod na taon, nakatakdang sundan ng game ang mga yapak ng League of Legends, na magkakaroon ng isang league system na may tatlong international leagues na kinabibilangan ng 30 partnered teams.
Patuloy itong bumubuo ng mga kahanga-hangang antas ng talent, kung kaya’t naglilipatan ang mga naglalakihang pangalan mula sa ibang esports titles, tulad ng Overwatch superstars na sina Ha “Sayaplayer” Jung-woo and Lee “Carpe” Jae-hyeok na ngayon ay naglalaro para sa T1, isa sa mga partnered teams sa Pacific league.
Ang mahigit isang dekadang experience ng Riot sa LoL esports ay nagamit nilang mabuti sa Valorant. Ang game ay nakatakdang magkaroon ng Challengers Ascension league sa susunod an taon, dagdag pa dito ang patuloy ding lumalaki na Game Changers scene para sa mga babae at iba pang marginalized genders.
Bukod sa League of Legends, tinalo rin ng Valorant ang iba pang established na titles tulad ng CS:GO, Dota 2, at Rocket League.
Ang 2023 ang magiging hudyat ng bagong panahon para sa shooter ng Riot sa paglipat nito sa league play. Ang season ay bubuksan ng pinakamalaking international LAN sa Sao Paulo, Brazil, tampok ang 30 franchised organizations.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.