Laging sumusubok ng mga bagong bagay ang Riot Games pagdating sa kanilang mga battle pass, at ang Valorant Episode 5 Act 3 battle pass na siguro ang pinakamaganda sa lahat.
Umiikot iang mga ito sa isang tema – may mystery, fun, at adventure. Meron din itong konting kwento para naman doon sa mga gustong malaman ang mga backstories ng kanilang mga paboritong agents.
Ang tema ng adventure ay kinuha mula sa matapang, maaksyon, at bagong agent na si Harbor, ayon kay Laura Baltzer, producer ng Valorant. “We wanted to fill this pass with items that gave a feeling of mystery and beauty,” sabi niya.
Sa mga nakikita namin, mukhang nagtagumpay naman ang kanyang team.
Top 5 cosmetics sa Valorant Episode 5 Act 3 Battle Pass
5. Breach’s Approval spray
Gaya ng inaasahan, ang mga battle pass sprays ay puno ng mga reference sa mga memes at pop culture.
Isa sa mga pinaka-cute ay ang Breach’s Approval spray, isang pagkilala sa nod of approval GIF, unang na-clip mula sa pelikulang Jeremiah Johnson na ginampanan ni Robert Redford.
Makikita sa spray si Breach sa parehong pose ng nasa iconic na GIF, habang nakatitig sa’yo ang malalaki niyang mga mata.
4. Corbin’s Light gun buddy
Medyo malungkot ang kwento sa likod ng gun buddy na ito. “It was made for one of our players who sadly passed away during his battle with cancer,” sabi ni Catalina Faerman, Associate Integration Artist.
“The Make-a-Wish Foundation named a star after Corbin, so we decided to honor him by creating a Gun Buddy inspired by his star, and additional design notes from his brother.”
Pinili ng team na gawing blue ang crystal dahil ito ang paboritong kulay ni Corbin, dinagdag din nila ang coordinates ng star sa frame.
3. Unearthed player cards
Ang Unearthed player cards naman ay bumubungkal sa nakaraan nina Yoru, Astra, at Harbor. Pinamagatang The Mask, The Gauntlet, at The Bracelet, pinapakita dito ang mga makapangyarihang artifacts na nagbibigay ng kakaibang kakayahan sa mga agents na ito.
Makikita sa player cards ang mga artifacts na wala ang mga may-ari, ngunit batid pa rin ang kapangyarihan nilang taglay. Ramdam ang misteryo at kapangyarihan na bumabalot sa mga ito.
Tulad na lang ng The Bracelet card, kung saan makikita ang bracelet ni Harbor na napalilibutan ng mga lumulutang na patak ng tubig.
2. Rune Stone weapon skins
Patunay ang mga Rune Stone skins an hindi mo kailangan ng mga magarbong effects upang magdisenyo ng isang skin line na nag-uumapaw sa style. Nababalot ng copper accents at graphite, available sila para sa Bulldog, Odin. Marshal, at Shorty.
Sa detalyadong carvings sa mga ito, makikita ang mga rune stones na pinaghanguan ng inspirasyon para sa skin line na ito.
1. Starlit Odyssey weapon skins
Ang Starlit Oddysey weapon skin ang pinaka-premium sa lahat. Makukuha ito sa kanyang base nlue variant, ngunit maaarin ma-unlock ang karagdagang purple, mauve, at black na variants nito.
Ang bawat skin ay tinaddtad ng mga stars, na may kasamang mga linyang maihahalintulad sa mga comets. This skin line takes cues from the tradition of adventurers using the stars to navigate their way to their destination,” sabi ni Baltzer.
Ang Valorant Episode 5 Act 3 Battle Pass ay lumabas noong October 18.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.