Alam naming naranasan niyo na ‘to: dehado kayo sa unang rounds ng isang ranked match, 0-2, matapos matalo sa opening pistol. Bago pa man maka-abot sa unang full buy round, may nag-initiate na ng surrender.
Hindi na bago ang ganitong scenario, pero para sa mga manlalarong madaling sumuko, may paalala ang isang Valorant developer para sa inyo.
Ayon kasi kay Jonathan “EvrMoar” Walker, hindi dapat basta-basta mag-surrender dahil maaari pa ring tumaas ang MMR kahit matalo sa laban.
Pwede pa rin tumaas MMR mo kahit matalo ka sa ranked, paalala ng Valorant dev
Importanteng tandaan na may binubuo ng dalawang bahagi ang rank mo sa Valorant: ang RR rating na nakikita mo, at ang hidden MMR na tumitiyak kung gaano karami nga ba ang RR na nadadagdag o nababawas sayo kada laro.
Kung mas mataas ang MMR mo kesa sa RR, susubukan ng Riot na bigyan ka ng mas maraming RR points sa tuwing mananalo ka para lumiit ang agwat nito. Kung mas mababa naman, mas maraming puntos naman ang mawawala sayo para umayon ang kakayahan mo sa rank mo.
“Your MMR can go up on a loss. While your RR will go down, if you have a really good match your Encounter MMR can go up higher, even as your Win/Loss MMR goes down,” sabi ni EvrMoar sa Twitter.
“This is why you shouldn’t forfeit early. You want more chances to soften that loss and raise MMR,” dagdag pa ng Valorant dev.
Mas naga-apply ito sa mga mas mababang MMR gaya ng Gold pababa, kung saan mas mahalaga ang Encounter MMR kumpara sa Win/Loss MMR. “You have a multiplier on your RR based on your MMR,” dagdag niya. “So it’s always important to play your best and not give up to increase your MMR and in turn your RR gains.”
Sa kabilang banda, sa mas mataas na ranks gaya ng Immortal, mas mahalaga ang Win/Loss MMR. Ito ay dahil ang mga bagay gaya ng aim at reaction time — dalawang factors na makaka-apekto sa Encounter MMR — ay mas pantay na sa mga manlalaro, kaya mas mahalaga na para sa Riot kung naipapanalo mo ba ang mga labang ‘to.
Ang iba pang factors na nakaka-apekto sa RR ay round differential at performance bonus. Hindi natutukoy ng Average Combat Score (ACS), o kung nagta-top frag ka o hindi, ang dami ng RR na matatanggap mo.
“It’s never about being the top frag, but performing better than your MMR,” paliwanag ni EvrMoar. “You can bot frag and still get a performance bonus.”
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ‘Andrew Tate cost me a job,’ ayon kay XSET Zekken matapos ‘di maaprubahan ang G2 partnership