Habang papunta na sa Istanbul, Turkey ang 16 sa pinakamahusay na teams ng mundo para sa Valorant Champions 2022, hindi lahat sa kanila ay magkakaroon ng pahinga.
Ang siksik na katangian ng 2022 competitive calendar ay nangangahulugang magaganap ang Valorant Champions hindi pa naka-isang buwan matapos ang Masters Copenhagen na nagtapos noong July. Sa ibang salita, ang mga teams na mas malayo ang inabot sa tournament ay nagkaroon ng mas kaunting panahon para magpahinga at mag-boot camp.
Ngunit nagrereklamo na ang mga players tungkol sa burnout sa Copenhagen pa lamang.
Ang problema ng burnout ay nagiging isang problema sa Valorant Champions 2022
Para sa LOUD at OpTic, hindi nila naibigay ang kanilang A-game sa Copenhagen. Matapos ang isang second-place finish sa Masters Reykjavik, hindi na naituloy ng LOUD ang kanilang feat sa Denmark at nalaglag sa group stage nang walang niisang panalo.
Mas malayo ang narating ng OpTic at nakatapos sa third, ngunit malayo pa rin ito sa kanilang performance sa Reykjavik kung saan natulungan nilang mabigyan ng kahulugan ang meta sa iilang mga mapa.
“It honestly almost pays off to exit a bit earlier sometimes and actually have more time to have a break, reset, and make new stuff,” sabi ng OpTic head coach na si Chet “Chet” Singh matapos ang kanilang elimination sa Copenhagen.
“Going from Iceland to this event, there wasn’t that much time for us to have a proper break.” Sa puntong iyon, isang linggo lamang ang pahinga ng OpTic sa loob ng anim na buwan, ayon sa in-game leader nila na si Pujan “FNS” Mehta.
Mayroon ding rason kung bakit hindi pa nagkakaroon ng isang back-to-back champion sa Valorant Champions, isang pahiwatig na mahirap maunahan ang pabago-bagong meta.
Sa ibang paraan, ang mga nananalo sa mga international events ay lugi tuwing malalapit ang mga tournaments sa isa’t-isa. Ang team na makakasungkit ng trophy ay mababatikos, at para maunahan nila ang pabago-bagong meta, kailangan nilang mag-experimento at makaisip ng mga bagong stratehiya.
Sa kasamaang palad, sa pagdating ng Valorant Champions isang buwan lamang matapos ang Stage 2 Masters, ang oras ang isang bagay na wala sila.
“Essentially, when you get knocked out you have the reward of being able to go back and kind of study and see what you did wrong, and then when you win you have no time,” sabi ni FNS.
Matapos ang kanilang maagang exit sa Copenhagen, nagkaroon na ng oportunidad ang LOUD magpahinga at mag-boot camp. “The break was very important for us to regain energy. We are lighter and even better prepared,” sabi ni Matias “Saadhak” Delipetro sa Dexerto.
Parehas din ang mga sentimento ng Paper Rex coach na si Alexandre “alecks” Sallé, ayon sa isang ekslusibong panayam sa ONE Esports.
“Take FunPlus Phoenix for example. They must be exhausted playing throughout [Copenhagen],” sabi niya. “They might have to take an extended break. Whereas everyone else would have been grinding and have more time to prepare for the meta.”
Ang oportunidad nila magpahinga at mag-recharge ay maaring maging pinakamalaking pagkakaiba sa pagpasok sa Valorant Champions 2022. Ang mga teams tulad ng 100 Thieves at Edward Gaming ay papasok nang sariwa; hindi pa sila nakapaglaro sa kahit anong international event ngayong taon.