Ang pinakamalaking Valorant event ng taon ay nandito na. Isang bagong world champion ang makikilala sa Valorant Champions 2022, ang culminating tournament ng 2022 VCT season. 

Simula August 31, 16 sa pinakamahusay na teams ng mundo ay lalapag sa Istanbul, Turkey, kung saan maghaharap ang mga dating tunggalian. 

Nahati sa apat na grupo ang mga teams kung saan lalahok sila sa isang double-elimination bracket para malaman kung sino ang dalawang aangat sa bawat grupo at uusad sa playoffs. 

Malakas ba ang magiging kamandag ng China sa global stage? O kukunin kaya ng North America ang international crown muli? 

Ito ang tatlong Valorant Champions 2022 group stage matches na dapat mong makita. 

Valorant Champions 2022 group stage: 3 sa pinaka-inaabangan na matchups 

Paper Rex vs Edward Gaming 

Valorant Valorant Champions Paper Rex
Credit: Riot Games

Magbubukas ang Champions sa isang pasabog na match, kung saan maghaharap an g Paper Rex at Edward Gaming. Nakahandang magtala ng mga panibagong record sa kasaysayan ng Valorant ang dalawang teams – ito ang unang paglabas ng isang Chinese team sa world stage, habang ang Paper Rex ay nagmumukhang handa na kunin ang unang international title ng Asia. 

Sariwa pa rin ang EDG sa isang undefeated campaign sa East Asia Last Chance Qualifier matapos magpakita ng isang solid fundamentals at team play. 

Ang match na ito ang unang beses na maghaharap ang dalawang teams sa VCT, at makikita ng mga fans ang labanan ng mga teams na kilala sa kanilang pagiging agresibo. Kilala ang Paper Rex sa kanilang fearless playstyle. 

Maaring parehas ang mangyari para sa China at EDG – tinawag ni Kim “Lakia” Jong-min ng DAMWON Gaming ang pagiging agresibo ng mga Chinese teams bilang “unimaginable,” at kung sino man ang makikipaglaro sa kanila ay “mumurahin” sila.  

Maaring ang EDG ay ang kaisa-isang team na ayaw harapin ng Paper Rex. Nagmumula sa isang team na hindi nagpapakita ng respeto sa kanilang kalaban in-game, sapat na iyon para mapansin sila. 
 

Team Liquid vs Leviatán 

Valorant Team Liquid
Credit: Riot Games

Sumusunod sa kanilang panalo sa VCT EMEA Last Chance Qualifier, mas handa na ngayon ang Team Liquid. Nasa kaniyang prime form na ang star player nila na si Adil “ScreaM” Benrlitom matapos makakuha ng halos 100 kills sa LCQ final, habang ang bagong myembro na si Dimitriy “dimasick” Matvienko ay mukhang bagay na bagay sa team. 

Ngunit ang Leviatán ay papasok sa tournament bilang isang dark horse. Maaring nagtapos sila sa isang joint-fifth place sa Copenhagen, muntikan na nilang matalo ang Fnatci squad na isa sa mga paboritong manalo. 

Ang mga players tulad ni Marco “Melser” Amaro ay nagbigay rin ng top-tier performances, isang pruweba sa talento ng kanilang roster. 

Habang wala masiyadong nakakaalam kung ano ang mangyayari dahil hindi pa naghaharap ang dalawang teams noon, ito ay isang matchup na may pangakong maging exciting. 
 

100 Thieves vs Fnatic 

Valorant 100 Thieves Asuna
Credit: Riot Games

Hindi ito magiging Valorant kung walang isang classic showdown sa pagitan ng North America at Europe. 

Makakita tayo ng bagong look sa pagbabalik ng 100 Thieves sa global stage. Si Peter “Asuna” Mazuryk lamang ang pamilyar na mukha sa roster nila ngayong taon. 

Ngunit hinasa ng kanilang head coach na si Sean Gares at Daniel “ddk” Kapadia ang team para maging isang well-oiled machine, at ang 100 Thieves roster na ito ay tiyak na dapat pansinin ng lahat ng mga teams sa Champions. 

Habang ang Fnatic naman ay mas gutom na ngayon matapos matanggihan ng championship trophy sa mga iilang international events. Nanatili bilang isa saa pinakamabangis na duos ng tournament sina Nikita “Derke” Sirmitev at Emir Ali “Alfajer” Beder. 

Lahat ng mga matches ay mapapanood live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.