Gaganapin ang Valorant Champions 2023 sa Los Angeles, California, inanunsyo ng Riot Games.

Ito ang unang pagkakataon na magho-host ng international Valorant LAN event sa North America.

Tampok sa Champions ang pinakamahusay na mga koponan mula sa North America, Brazil, Latin America, EMEA, at Asia, kung saan ang isa sa kanila ay makoronahan bilang Valorant world champions.

Valorant Champions 2023 gaganapin sa Los Angeles

Valorant Champions 2023 crowd inaasahang maging mas malaki kaysa VCT Lock//In
Credit: Riot Games

Ang pagdarausan ng Valorant Champions 2023 ay inanunsyo kasabay ng debut ni Gekko, ang ika-22 na agent ng Valorant.

Ang bagong character, na ang pagpapalaki ay hinubog ng kultura ng kanyang mga magulang at ang impluwensya ng kanyang bayang kinalakhan, ay ipinanganak at lumaki sa Los Angeles. Si Gekko ay inaasahang maging sikat sa Champions ngayong taon, katulad ng kung paano itinampok ang Brazilian duelist agent na si Raze sa São Paulo sa VCT LOCK//IN.

Sa Valorant world championship ngayong taon ay makikitang maglalaban-laban ang nangungunang 16 na koponan na may pinakamaraming VCT points.



Mayroong dalawang iconic na lokasyon sa Los Angeles na magho-host ng Valorant Champions 2023. Mula August 6 hanggang 20, maglalaban-laban ang mga kwalipikadong koponan sa Shrine Auditorium para sa pagkakataong makapasok sa Champions weekend.

Magpapatuloy ang aksyon sa KIA Forum kung saan maglalaban-laban ang mga natitirang koponan mula August 24 hanggang 26.

Hindi pa inaanunsyo ng Riot Games kung kailan magaganap ang Champions. Ayon sa schedule ng VCT 2023, pagkatapos ng VCT LOCK//IN, ang lahat nang partnered teams ay babalik sa kani-kanilang mga rehiyon upang lumaban sa unang VCT international leagues.

Pagkatapos ng mga liga ng Americas, EMEA, at Pacific ay ang Masters Tokyo, na naka-schedule para sa June 11 hanggang 25. Ang season ng VCT 2023 ay magtatapos sa Last Chance Qualifiers, na magaganap bago ang Valorant Champions 2023.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.