Kung mahusay kang gumamit ng Operator at Sheriff, bagay na bagay sa’yo si Chamber.

Sa pagdating ni Chamber sa roster matapos ang Valorant patch 3.10, narito ang mga kailangan mong malaman upang ma-master ang pinakabagong agent ng Valorant, kasama ang kanyang role, kumpletong breakdown ng kanyang abilities, agent combos, at kuna paano sya kontrahin.


Chamber guide: Sino sya at anong role nya sa Valorant?

Valorant How To Unlock Chamber
Credit: Riot Games

Tabi ka muna, Yoru, dahil si Chamber na ang pinaka-mapormang agent sa Valorant. Bilang isang French weapons designer, alam nya kung paano ma-enjoy ang finer things in life, kita naman sa kanyang matikas na suit, iconic watch, at signature weaponry.

Bilang isang Sentinel agent, magagamit si Chamber tulad ng pagkaka-advertise sa kanya. Noong mapabalitang kasama ang weapons sa kanyang sgent abilities, nag-alala ang mga players na baka isa na naman syang hybrid agent tulad nina KAY/O at Skye, pero matibay sa depensa si Chamber.


Paano gamitin ng maayos ang kanyang agent abilities

Headhunter (Q – 100 credits per bullet/maximum of eight per round)

Ang Headhunter ay isang custom weapon na magagamit ng players sa kabuuan ng round. 100 credits ang cost ng bawat bullet, na may maximum na walo. Ang mga bullets na hindi magagamit ay magke-carry over sa susunod na round, pero hindi ito nagi-stack, kaya’t hanggang walong bullets lang ang pwedeng bilhin ng players sa bawat round.

May dalawang dahilan kung bakit nas maganda ang Headhunter kaysa sa Sheriff. Una ay pwede kang gumamit ng right-click para sa ADS (aim down sights) para sa mas mataas na accuracy. Pangalawa at mas importanteng dahilan, 159 ang damage ng Headhunter sa headshot sa kahit anong range. Habang sa Sheriff ay 145 lang sa 50 meters.


Rendezvous (E – free ability)

Maaaring maglagay si Chamber ng dalawang teleport anchors sa map. Hindi kalayuan ang distansya ng dalawang anchor points, kaya kailangang maging creative ang mga players sa pag pwesto ng mga ito.

Para makapag-teleport sa pagitan ng dalawang points, kailangang nasa area ng anchor point si Chamber, sa pagpindot ng E, magte-teleport sya sa kabilang anchor point. Mayroong 19-second cooldown pagkatapos mag-teleport.

Pinakamagandang gamit ng Rendezvous ay ipwesto sila sa mga matitibay na defensive locations habang nagho-hold ng site. Matapos makakuha ng ilang kills, pwedeng mag-teleport si Chamber para gulatin ang attacking team.

Pro tip: Pwedeng i-boost ni Chamber ang kanyang sarili paakyat sa mga high ground spots (double stacked boxes o generator) kung maglalagay sya ng anchor point sa ibabaw nito at magteleport papunta doon. Kelangang tandaan ng mga players na gagana lang ito kung nasa parehong level si Chamber at ang anchor point. Hindi sya pwedeng mag-teleport kung parehong nasa mas mataas na location ang dalawang anchor points.


Trademark (C – 150 credits/maximum of two per round)

Simple lang gamitin ang defensive ability na ‘to. Naglalaglag si Chamber ng trap na nagi-scan ng kalaban. Pag pumasok sa range ang kalaban, magbibigay ang trap ng slow effect sa mga nasa loob nito.

Ang pinagkaiba ng Trademark sa Alarm Bot ni Killjoy ay hindi ito invisible, kaya kailangang i-pwesto ito sa mga corners at high-contested areas. Mahalaga rin na nananatiling active ang Trademark nasaan man sa map si Chamber. Dahil dito, magandang ability ang Trademark upang maiwasan ang mga flank plays.


Tour De Force (X – ultimate/seven ult orbs)

Kung tutuusin, para lang itong Operator dahil kaya nitong pumatay ng kalaban sa direct hit, kahit pa leg shots. Pag nakapatay ng kalaban ay magkakaroon ng maliit na area na magbibigay ng slow sa mga players na nasa loob nito, tulad ng sa Trademark ability.

Ang Tour De Force ay ginawa upang gamitin na parang Operator. Hintay ka lang sa magandang anggulo at patayin mo lahat nang sisilip na hindi gumagamit ng utility.


Strengths: Isa syang magandang defensive agent

Hindi lang bagay pang depensa ang kanyang mga abilities, masaya din syang gamitin kung pagsasamahin mo lahat. Pagkapanalo mo sa aim duel, teleport ka na sa ibang location para gulatin at ma-outplay ang kalaban.

Sa mga pistol rounds, maaari syang bumili ng anim na Headhunter bullets at isang Trademark trap upang makakuha ng info at pabagalin ang kalabang team. Kahit magmintis ang anim na Headhunter shots, meron pa ring Classic na backup weapon si Chamber.

Pwede rin namang apat na Headhunter bullets at half shields sa pistol round, lamang na si Chamber sa sabayan na aim duel.


Sino ang magandang kasama ni Chamber?

Valorant Skye Official Art
Credit: Riot Games

Dahila mahusay na pandepensa si Chamber, kailangan nya ng tulong pagdating sa atake dahil wala syang flash o molly, o anumang ability na pupwersa sa kalaban na mag-react. Wala rin syang smoke kung kaya’t mahirap paraq sa kanya ang mag-lurk.

Bagay nyang kasama ang mga initiators tulad nina Breach, Skye, o Sova, dahil kaya ni Chamber na makakuha ng kills sa tulong ng mga skills ng mga ito.


Paano kontrahin si Chamber?

Valorant KAY/O Art
Credit: Riot Games

Laging bantayan kung ilan ang credits ni Chamber sa simula ng round. Kung gagamit sya ng Headhunter o Tour de Force, asahan mo ang long-range aim duels. Palapitin mo ang distansya mo sa kanya sa pamamagitan ng mga smokes, mas mahihirapan syang bumaril sa close range.

Kung nahihirapan ang team mo laban sa depensa ni Chamber, mas mabuti pang iwasan na lang ang site na binabantayan nya. Mawawalan ng silbi ang Trademark at Rendezvous abilities nya, maliban na lang kung bawiin nya ang mga ito at lumipat ng pwesto.

Isang hard counter kay Chamber ay si KAY/O, dahil mawawala ang kanyang agent ability weapons pag ginamitan ng ZERO/POINT supperession blade at NULL/CMD pulse silence.


Broken ba si Chamber?

Valorant Chamber agent
Credit: Riot Games

Habang maituturing ng iba na overpowered ang agent na kayang magkaroon ng apat na top-tier wespons sa isang round, nakadepende pa rin ito sa paggamit.

Unique si Chamber dahil lagi syang merong weapon na magpapanalo sa kanya sa mga aim duels dahil sa kanyang agent abilities. Habang ang iba ay ikinukumpara ang kanyang Headhunter sa Sheriff, mas malapit ito sa Guardian dahil kayang pumatay ng headshot nito sa kahit anong distansya.

Sya ang pinaka-economic na agent sa Valorant dahil pwede nyang gamitin ang kanyang Headhunter o Tour De Force bilang primary weapon at tipirin ang kanyang credits para sa susunod na round. Pwede rin syang mag-drop ng rifles sa kanyang teammates gamit ang kanyang excess credits.

Madi-disappoint ang mga players na umaasang magiging pamalit si Chamber kay Jett. Bagama’t kailangang marunong ka gumamit ng Operator sa pagpili kay Chamber, magagamit nya lang ito sa pagdepensa. Mas marami pa ring magagawa si Jett gamit ang Operator dahil sa kanyang Tailwind, Cloudburst, at Blade Storm ultimate.

Mas malapit ang gameplay ni Chamber sa ibang sentinel agents tulad nina Cypher, Killjoy, at Sage, mas malakas lang ang firepower nya.

Ang akdang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.