Ang pag-balanse ng mga Valorant ay agents ay isang sining kumpara sa siyensiya.
Habang malaking parte pa rin ang data sa pagtukoy ng mga pagbabago sa mga agents, mas subjectibo pa ring mga paraan ang ginagamit ng Riot Games para malaman kung kailangan gawan ng pagbabago ang isang agent.
Isa na rito ang player perception ng mga individual agents, na tinitignan sa mga data points tulad ng win at pick rates.
Sa isang bagong State of the Agents blog post, ibinunyag ng mga Riot developers kung paano sila nakapag-de-desisyon kung aling Valorant agents ang kailangan ng mga pagbabago at kung kailangan ba nila ng buff o nerf.
Paano nagpapasiya ang Riot kung aling Valorant agents ang kailangan ng mga pagbabago
Nakita sa taong ito ang iilan sa pinakamalaking pagbabago sa Valorant agents meta sa pagkilala natin kina Chamber at Fade.
Dating nangingibabaw si Sova sa recon space, ngunit ngayon naging isang alternatibo na si Fade, lalong-lalo na matapos ang mga nerfs sa Owl Drone at Shock Bolt ni Sova sa patch 4.08.
Si Chamber naman ang nangunguna sa sentinel role. Nananatili siya bilang most-picked agent sa Valorant Champions 2022 sa 68 percent kahit na nakatanggap na siya ng dalawang rounds ng nerf.
Ang dalawang Valorant agents na ito ay nakikitang magkakaroon ng potensiyal na nerfs. Sa patuloy na pag-evolve ng Valorant, kailangan din ipagpatuloy ng Riot ang kanilang pagsuri ng mga agents ng laro at tignan ang mga data para makatulong sa kanilang mga desisyon.
Win rate at pick rate sa solo queue
Isa sa pinakaimportanteng bagay na tinitignan ay ang non-mirror win rate ng Valorant agents sa iba’t-ibang MMR tiers at iba’t-ibang mapa na nagbibigay ng panukat sa lakas ng agent na ‘to.
Ang non-mirror win rate ay ang win rate ng agent kung hindi ito pinili ng kalaban. Kailangan ito dahil ang mga sikat na agents ang nakakakuha ng 50 percent win rate – isang statistic na walang saysay.
Tinignan din ng riot ang mga agent pick rates nang parehas na paraan na ito para maintindihan nila nang mas maigi ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nila pagdating sa mga mas sikat na Valorant agents at sa mga agents na pinipili ng mga players.
Player perception
Ngunit may pakielam din ang Riot sa mga nararamdaman niyo. Habang binabantay nila ang mga sentimento sa social media, ang malaking parte ng player perception data na ginagamit nila para sa pag-balanse ng mga Valorant agents ay nagmumula sa mga surbey na pinadala sa mga players sa buong mundo.
Inaalam ng mga surbey na ito ang mga nararamdaman ng mga players tungkol sa laro o agents, kung aling agents ang masiyadong malakas, mahina, o hindi madaling gamitin sa kasalukuyang meta.
Pro play
Ang mga pro players ay mga key stakeholders para sa Riot. Tinitignan nila nang maigi ang pro play pick rates at trends para malaman kung aling Valorant agents, anong compositions at utilities ang nakikitang pinakaimportante ng mga pro teams at pro players.
Halimbawa, inamin ng developer na ang patuloy na pangibabaw ni Chamber sa Valorant Champions 2022 ay nagpatunay na kailangan niya ng mga pagbabago.
Masiyado pa ring mahirap talunin ang kaniyang Redezvous teleporters at sila ay magtutuon ng kanilang pokus sa paghatid ng “meaningful counterplay.”
Design principles
Kailangan rin sumakto ang mga Valorant agents sa mga key design principles na gumagabay sa lahat ng development ng laro. Sa tuwing bumubuo sila ng panibagong agents, tinitiginan ng Riot kung ano ang kulang sa Valorant. Ang layunin nito ay magkaroon ng agent para sa bawat unique na role ng laro.
Halimbawa, ang pagkatao ni Chamber ay pinatunayan ng kaniyang mga “unique weapons at defensive combat mobility,” kaya naman nakatanggap siya ng nerf mula sa Riot ngunit sa kaniyang Trademark traps lamang para mas mabigyan pansin ang ibang sentinels tulad nina Killjoy at Cypher pagdating sa pagbantay ng flanks.
Ito rin ang tinatawag ng Riot na “agent sharpness,” o kung “clearly defined strengths and weaknesses” ang isang agent kumpara sa iba.
Kung hindi nakakamit ng agent na ito ang design criteria, sapat na ito para makatanggap siya ng mga pagbabago.
Kung hindi tugma ang player perception at data
Ang mga balance decisisons ay malalaman sa meta at kolektibong pagpili ng mga players na paiba-iba depende sa rehiyon, skill, at iba pa. Paiba-iba ang meta ayon sa patch, at maaring iilang linggo pa ang makalipas para umangkop ang mga players sa mga bagong pagbabago (at para maintindihan din ng Riot ang impact nito).
Ngunit hindi palagi ay tugma ang player perception at data. Halimbawa, maaring masiyadong malakas ang isang agent, ngunit kung naniniwala ang player na hindi ito isang magandang pick, hindi nila ito lalaruin.
Makakagawa ito ng malakas na agents na may mababang pick rate, ngunit maaring magkaroon pa ito ng espasyo para ma-buff sila para ma-kumbinse ang mga players na piliin sila—si Brimstone ay isang halimbawa, ayon sa Riot.
“To this end, we are aiming to make the agents more balanced with updates, but we also are aiming to inspire players to change their perception of the game’s balance and evolve the meta themselves,” sabi ni Alexander Mistakidis, Game Designer ng Valorant.
Basahin ang buong blog post dito.