Narito na ang Episode 4: Disruption ng Valorant at sinusubukan ng lahat matutunan kung paano gamitin ang bagong Filipino agent na si Neon.

Matapos mag-participate sa early access PBE (public beta environment) ng Riot Games, natutuhan namin ang mga abilities ni Neon, at inilista namin ang kanyang strengths sa Valorant agent guide na ito.


Beginner’s guide: Paano gamitin ang bagong Valorant duelist na si Neon

Ano ang playstyle ni Neon?

Valorant Neon High Gear Combat Slide
Credit: Riot Games

Hindi tulad ng mga naunang na-release na agents, hindi hybrid ng dalawang magkaibang classes si Neon. Isa syang full-on duelist na may kakayahang maging malakas na entry agent.

Nasa bilis ang lakas ni Neon. Sa katunayan, tinawag syang “the fastest Valorant agent on the ground” ng Riot Games developer na si Ryan Cousart. Dahil dito, ang lahat nang agent abilities nya ay nakasentro sa kanyang sprint ability.

Mahirap tamaan si Neon dahil sa kanyang pag-sprint, mas napapabilis din nito ang paglibot nya sa mapa kumpara sa ibang agents. Ang weakness ng kanyang ability ay wala syang naka-equip na weapon habang tumatakbo, kaya’t siguraduhin na makipag-communicate sa teammates upang malaman kung nasaan ang mga kalaban.


Paano gamitin ang High Gear combat slide

Ang High Gear ability ay magagamit lamang kapag naka-activate ang sprint ni Neon, at maaari lamang syang mag-slide sa direksyon na kanyang tinatakbo. Ang pinakamabisang gamit ng combat slide ay ang paglapit sa mga target na stunned o na-flash.


Paano gamitin ang Fast Lane wall

Ang Fast Lane wall ni Neon ang isa sa mga pinakamagandang smokes sa game dahil para itong dalawang Phoenix Blaze na magkahilera.

Epektibo itong entry ability sa Valorant dahil maaari nya itong gamitin upang makapasok sa mga sites sa pamamagitan ng pagtakbo sa pagitan ng dalawang walls upang makalapit sa mga defenders.


Paano gamitin ang Relay Bolt stun

Isa pang magandang entry tool ay ang Realy Bolt ni Neon dahil kaya nyang mang-stun sa dalawang locations gamit ang isang charge. Ang area-of-effect radius ng stun ay tumatagos din sa mga walls kaya’t maganda itong gamitin para mag-clear ng corners. Ingat lang at baka ma-stun mo ang sarili mo.


Paano gamitin ang Overdrive ultimate

Ang panghuling ability ni Neon ay ang kanyang Overdrive ultimate, kung saan kukuryentehin nya ang mga kalaban hanggang mamatay habang tumatakbo sya nang mabilis. Ang ultimate ay tumatagal lamang ng 20 seconds kung kaya’t kelangan nyang makapitas ng mga kalaban upang ma-extend ito.

Simple lang gamitin ang Overdrive ultimate ni Neon. Siguraduhin lang na nakatutok sa kalaban ang crosshair at siguradong mamamatay sila. Meron itong consistent fire rate at walang recoil kahit pa i-spray mo ang buong charge sa target mo.


Nasa bilis ang lakas ni Neon

Kung plano mong gawing main agent si Neon sa Valorant, kelangang handa kang sumugal.

Ginawa ang kanyang abilities upang maikutan nang mabilis ang mga kalaban. Isa syang agent na kelangang gamitan ng napakaagresibong playstyle, kaya’t siguraduhin na ikaw ang aatake sa kalaban.

Marami pang pwedeng matutuhan tungkol sa pinakabagong agent ng Valorant, kaya tumutok lang sa ONE Esports para sa marami pang Valorant guides. At para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.