Nakalusot na ang TSM Valorant sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event matapos ang isang matagumpay na run patungo sa top four sa unang open qualifier.
Ito ang pagbabalik ng organisasyon sa main stage ng North American Valorant matapos ang ilang buwan na nasa sidelines dahil sa mga mahinang performance sa Stage 1 at noong nakaraang taon.
Ang bagong roster, na may Anthony “gMd” Guimond at Johann “seven” Hernandez, ay nag-qualify matapos manalo sa Luminosity at 100 Thieves, at natalo pa nito ang 100 Thieves nang dalawang beses sa upper at lower bracket.
Sa isang panayam kasama ang VALORANTING, nagsalita ang TSM head coach na si Preston “Juv3nile” Dornon tungkol sa kasalukuyang anyo ng team at kung anong tingin niya sa kanilang journey.
Ipinaliwanag ni TSM Valorant coach Juv3nile kung paano pa maaring mag-improve ang TSM
Sa halip ng kanilang tagumpay sa bagong roster ng TSM Valorant, hindi magpapahinga si Juv3nile. “We qualified, but I honestly don’t think we played that well,” he said candidly.
“We have so much to improve. We made so many dumb mistakes, so many bad plays. We lost so many bonuses. Before the 100 Thieves match we were nine and 27 for pistol rounds. And we lost the round after in two of these rounds, so essentially we’ve won only seven pistol rounds.”
Mayroong mataas na mga pangarap ang dating Akrew coach para sa TSM Valorant, at binanggit niya ang mga talento ng kaniyang roster. “We’re a sloppy team. But I think if we fix all those mistakes, we can honestly be one of the best teams in North America,” dagdag niya.
“I think with the talent and aim on this team, every single person can go off and that’s definitely going to be one of our strengths going forward.”
Sa lahat ng ‘yan, iginiit ni Juv3nile na ang bawat player ng TSM ay mayroong diverse agent pool na makakatulong sa team na umangkop sa pabago-bagong agent compositions. May apat na players ang TSM na pwedeng gumamit ng duelist role, sabi ng coach, habang apat naman ay pwedeng maglaro nang flex.
Pinaka-importante ang pagiging flexible sa Valorant, ayon kay Juv3nile, ay kailangan ng mga teams ng mga players na kayang lumipat sa iba’t-ibang agents at roles.
Naglalaro rin ang TSM Valorant sa isang bagong shot-calling structure na may dalawang in-game leaders, at mukhang gumagana naman ito. Si Yassine “Subroza” Taoufik ang IGL ng team sa attack, habang si gMd ang bumoboses para sa defense.
“We’ve gotten a lot better giving Subroza the space to call. I think that’s one of the biggest improvements that we’ve made as a team, because he can read the game really well,” paliwanag ni Juv3nile.
Maglalaro ang TSM sa kanilang susunod na laro sa VCT NA Stage 2 Challengers Main Event sa May 13.