Na-finalize na ng TSM ang pagdagdag kina Anthony “gMd” Guimond at Johann “seven” Hernandez sa kanilang Valorant roster. 

Nagkulang sila ng dalawa sa kanilang Valorant roster matapos umalis si Matthew “Wardell” Yu at na-bench si Aleko “Aleko” Gabuniya. 

Dapat na ipapasok ng North American organization si Eric “Kanpeki” Xu ng Akrew, na sumali na sa Sentinels. 

Kumpleto na ang TSM Valorant para sa VCT NA Stage 2 

Valorant TSM roster
Credit: TSM

Parehas nilang nilaro sina gMd at seven noong April pa sa Nerd Street Gamers Summer Championship at Knights Monthly tournaments. 

Malayo ang narating ng team sa Knights Monthly noong April; tinalo nila ang FaZe Clan bago matalo sa Ghost Gaming 2-0 sa grand final. 

Si gMd ang isa sa pinakamatagal na myembro ng Gen.G. Puro controller agents ang ginamit ng 21-year-old sa kaniyang dating team, ngunit ngayon dinagdag na niya si Breach sa kaniyang agent pool sa North American team. Ang 16-year-old Mexican prodigy naman na si seven ay sasali mula sa T1 para ulitin ang kaniyang role bilang Chamber main ng team. 

TSM Valorant roster 

  • Anthony “gMd” Guimond 
  • Johann “seven” Hernandez 
  • Yassine “Subroza” Taoufik 
  • Corey “corey” Nigra 
  • Daniel “Rossy” Abedrabbo 

Kilala ang head coach nila na si Preston “Juv3nile” Dornon sa kaniyang paggabay sa Akrew patungo sa kanilang 34-game win streak sa regional open tournaments noong nakaraang taon, at ngayon papanoorin siya ng lahat kung paano niya tutulungan ang TSM squad na makamit rin ito. 

Lahat ng TSM players ay nasa Austin, Texas na habang sila ay naghahanda para sa kanilang unang open qualifier sa VCT NA Stage 2 Challengers.