Hindi na sikreto sa marami na ang superstar duelist ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo ay isa sa mga pinakamasusugid na anime fan sa esports scene.
Kapag hindi sya naga-upload ng mga nakakabilib na Valorant highlight clips o nagpo-post ng mga photos ng kanyang content creator girlfriend na si 100 Thieves Kyedae Shymko, madalas na makikita si TenZ na nagshe-share ng mga GIF mula sa kanyang paboritong anime sa kanyang Twitter page.
Habang nasa VCT Stage 3 Masters Berlin, nagawa ng ONE Esports na makipagkwentuhan kay TenZ tungkol sa isang paksa na sobrang passionate sya.
Ano ang ‘anime buff’?
Kung ikaw ay isang Valorant esports fan na naka-follow sa mga top professional players sa Twitter, mapapansin mong karamihan sa kanila ay may anime characters sa kanilang profile photos.
Ito ang tinatawag na ‘anime buff’ kung saan sinusubukan nilang magkaroon ng kaparehong estado ng pag-iisip ng kanilang iniidolong characters mula sa sinusubaybayan nilang mga shows.
Ano ang anime buff ni TenZ para sa Valorant?
Hindi nakakagulat na ang anime buff ni TenZ ay galing sa Hunter x Hunter dahil ito rin ang kanyang Twitch profile image kung saan meron syang 1.8 million followers.
May isang particular na eksena syang pinapanood bago sumabak sa malalaking matches. Shine-share nya rin ang GIF ng eksenang ito sa kanyang Twitter page sa mismong araw ng laban.
Warning: Spoiler alert kung hindi mo pa napapanood ang episode 119 ng Hunter x Hunter
Ang paboritong eksena ni Tenz sa Hunter x Hunter
“The anime buff for me would be the one scene from Hunter X Hunter where Killua Zoldyck goes Godspeed. He looks pretty cool, charges up, and pops off,” sabi ni TenZ.
Nakaka-relate ang superstar Valorant player kay Killua ng Hunter x Hunter dahil naniniwala syang pareho sila ng kilos at pagkatao.
“He can be quite cold, but he’s also caring to people that are close to him,” ibinahagi ni TenZ. “He’s really chill, relaxed, laid back, and pretty badass.”
Para sa mga hindi pa nakakapanood ng Hunter x Hunter, si Killua ay isang character na sinabihan ng kanyang kapatid na tumakbo mula sa mga malalakas na kalaban. Kinundisyon sya upang humarap lamang sa mga laban na alam nyang mananalo sya, at iwasan ang mga laban na maaari syang matalo.
Sa eksenang ito, nagpakita si Killua ng bagong kaisipan laban sa napakalakas na Chimera Ant Royal Guard kung saan pinili nyang itaya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Ang ultimate anime recommendations ni Tenz
Ibinahagi ni TenZ na hindi rin sya makapanood ng mga anime masyado dahil abala syang nag-eensayo kasama ng Sentinels sa kabuuan ng 2021 VCT season.
Ang pinakahuling anime na napanood nya ay ang Assassination Classroom. “I like the humor. It’s funny and cute,” sabi nya. “I just enjoy the anime and it makes me feel like a kid.”
Ang isa pang show na inaabangan ni TenZ ay ang paparating na final season ng Attack on Titan, at lubos na nirerekomenda nya ito sa lahat nang anime fans.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.