Si Tyson “TenZ” Ngo ay isa sa mga premyadong professional players sa competitive Valorant scene.

Napukaw ng superstar player ang atensyon ng mga FPS fans sa iba’t ibang panig ng mundo upang manood sa nakakabilib niyang tutok na marami ang sumusubok na gumaya.

Gumawa si TenZ ng detalyadong guide para sa mga baguhan sa Valorant na lumipat muola sa CS:GO tuald niya. Ipinaliwanag niyang maigi ang bawat weapon sa Valorant at tinalakay kung paano gamitin ang mga ito.


TenZ hinimay ang mga weapons sa Valorant at kung paano ma-control ang kanilang spray pattern

TenZ Valorant Champions best advice spray control
Credit: Riot Games

Ipinaliwanag ni TenZ na iba ang buy phase ng Valorant kumpara sa CS:GO, ang competitive FPS na pinanggalingan niya.

Pinayuhan niya ang mga players na makipagkoordina sa kanilang team kapag bibili ng mga mamahaling weapons, shields, at utility, o kung dapat bang ipunin na lang ang credits sa simula pa lang ng round.

Ang team na ipinipilit ang mga half-buys – isang round kung saan gumagastos ka ng konting credits para bumili ng mahinang weapon, manipis na armor, at konting utilities – ay palaging malalamangan ng team na may mas malalakas na weapons, buong armor, at kumpletong abilities.

Kung ang ilang teammates ay nakabili na, maaari nilang i-refund ang kanilang weapons, shields, at utility, upang madagdagan ang kanilang tsansang manalo sa susunod na round.

Ikinumpara din ni TenZ ang weapon mechanics sa Valorant at ang kaibahan nito sa CS:GO.

Sa Valorant, ang lahat nang weapons ay available sa parehong attacking at defending teams habang sa CS:GO ay may mga eksklusibong team weapons.

“Snipers are quite different compared to Counter-Strike,” sabi niya. “In CS, you can be a lot more aggressive with the AWP and the Scout.”

Credit Breakdown
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Sa mga rifles naman, ipinakita ni TenZ kung paano ma-control ang kanilang recoil. Ipinaliwanag niya na may ilang weapons na magkakapareho ng recoil patterns, tulad na lang ng mga rifles at SMGs kung saan ang mga bala ay tumataas at gumagalaw mula kaliwa pakanan.

“When you’re trying to control spray pattern for a gun, just shoot at a wall first and see where they land,” sabi niya. “So you’re going to want to compensate your mouse down, to the right, then to the left.”

Isa pang key feature ng Valorant ay ang aim down sights ng mga rifles. “It reduces the overall fire rate of the gun, and makes the spray a little bit harder to control, says TenZ.” Sa CS:GO, tanging ang Steyr Aug A3 at Krieg 552 lang ang may ADS feature.

Panghuli, ipinaliwanag ni TenZ na iba ang counter-strafing ng Valorant sa CS:GO.

Sinabi niyang hindi kinakailangan ng mga players na pindutin ang kabaligtarang strafe key upang tumigil sa paggalaw dahil pag binitawan mo ang strafe key ay kusang titigil ang iyong agent, kung kaya’t makakaalis ka nang hindi gumgamit ng counter-strafing.

Ang dahilan sa likod nito ay dahil mas mataas ang movement speed sa CS:GO. At dahil mas mataas ang top speed ng mga character models sa game na ‘to, ginagamit ito ng gma players upang mas mapabilis ang kanilang paggalaw. Dahil sa mas mataas na movement speed, kinakailangan pa ng players na gamitin ang kabaligtarang strafe key upang pumreno.



Walang ganito katas na movement speed sa Valorant, kung kaya’t sa pagbitaw lang ng strafe key ay kusang titigil na ang iyong galaw. Ito rin ang dahilan kung bakit walang bunny hop sa Valorant dahil walang sapat na momentum.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.