Nagawa ng Team Secret ang isa sa mga pinakamalaking upset sa VCT LOCK//IN nang talunin nila ang Team Liquid 2-0 sa pambungad na match ng omega bracket.
Ang star player ng all-filipino squad na si Jessie “Jessievash” Cuyco ay nagpakita ng isang hindi kapani-paniwalang performance laban sa isa sa mga top-ranked European teams sa tournament.
Natapos ang 33-year-old na may highest combined ACS (average score score) na 273, ayon sa vlr.gg. Sa post-game press conference, ipinaliwanag ni Jessie kung paano niya nagamit ang kanyang edad sa panalong nakuha nila.
Jessievash ng Team Secret sinabing mas mahusay sila sa Team Liquid sa VCT LOCK//IN
Parehong nagkaroon ng pagbabago sa roster ang dalawang teams bago ang simula ng VCT 2023 season. Kinuha ng Liquid ang dating mga stars ng Gambit Esports at mga kampeon ng Masters Berlin na sina Ayaz “Nats” Akhmetshin at Igor “Redgar” Vlasov. Sa kabila ng karagdagang firepower, nilampaso pa rin sila ng Secret.
Nagniningning sa depensa ng Secret sa kanilang unang map pick na Icebox. Binarahan nila ang mga pushes at lurk plays ng Liquid at mabilis na nakuha ang lamang sa score na 10-2.
Bumawi naman ang European squad at ipinanalo ang anim na magkakasunod na rounds pagkatapos ng half, ngunit hindi nila nagawang makahabol sa sobrang pagkadehado. Kalaunan ay nanalo ang Secret sa score na 13-8 upang kunin ang 1-0 lead sa series.
Sa sumunod na map na Fracture, kumuha na naman ang Secret ng isa pang malaking lamang na 9-3 habang nasa defense, at tinapos ang game sa 13-7 upang tuluyang ipanalo ang series.
Matapos ang match, ipinaliwanag ni Jessie na bagama’t marami ang nag-iisip na matatanggal sila nang maaga, hindi nila kailanman pinagdudahan ang kanilang mga sarili.
“I do feel like this was the result we were expecting, even though 90% of the people in the world expect us to lose,” sabi niya.
“I feel like we’re a better team, seeing as they have just been playing for a very short time,” patuloy ni Jessie. “Seeing them streaming a lot, I really feel they’re just kids, and they’re so easy to read.”
Dalawang araw bago ang kanilang match ay ipinagdiwang ni Jessie ang kanyang ika-33 na kaarawan, kung kaya’t siya ang pangalawang pinakamatandang player sa VCT LOCK//IN sunod kay Kyrylo “Ange1” Karasov ng Navi, na ilang buwan lamang ang tanda sa kanya. Muli ay pinatunayan ng Pinoy player na “age is just a number”.
“I’ve been holding a mouse and keyboard for almost two decades already and that’s one of the advantages I have,” sabi niya.
“The gap was too much for them,” ayon kay Jessie. “I just overheated too much, and I threw some rounds. If we were more serious, they could not get close to us.”
Nakatakdang harapin ng Team Secret ang powerhouse ng EMEA sa susunod na round. Makakasagupa ng Filipino squad ang Natus Vicere sa February 26, 1:00 a.m. GMT+8.
Mapapanood ng mga fans ang mga matches nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Riot Games.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.