Magdadagdag ng matinding star power ang Team Liquid sa kanilang Valorant roster.

Inanunsyo na ng organisasyon ang pagpirma sa kanila ng mga dating Gambit Esports at M3 Champions superstars na sina  Ayaz “nAts” Akhmetshin at Igor “Redgar” Vlasov, kasama ang Guild Esports player na si Saif “Sayf” Jibraeel.

Naiwan ang Team Liquid na may tatlong bakanteng pwesto kelangang mapunan matapos ang pag-alis ng magkapatid na sina Adil “ScreaM” Benrlitom and Nabil “Nivera” Benrlitom upang lumipat sa French squad na Karmine Corp.

Si Dmitriy “dimasick” Matvienko, na sumali sa Liquid noong August mula sa Finest, ay hindi muna paglalaruin matapos ang 7th to 8th place exit ng team sa Valroant Champions 2022.

Nakakatakot ang Team liquid sa kanilang pagpasok sa VCT 2023

Valroant Champions Gambit Esports Redgar Team liquid
Credit: Riot Games/Getty Images

Ang paparating na trio ay makakasama nina Elias “Jamppi” Olkkonen at Dom “soulcas” Sulcas sa team.

Magkakahalo ang mga resultang nakuha ng dating Liquid roster nitong 2022. Nakapasok sila sa Masters Reykjavik at Valorant Champions 2022, ngunit maaga ring natanggal sa playoffs ng parehong tournaments.

Gayunpaman, bago ang kanilang Champions 2022 run ay maganda ang kanilang ipinakita sa VCT EMEA Last Chance Qualifier, kung saan tinalo nila ang ibang umaasang makapasok sa Champions – kabilang ang team nina nAts at Redgar na M3C – upang makarating sa Istanbul.

Bagama’t itinuturing silang ikatlo sa pinakamahusay sa EMEA region, sunod lang sa FunPlus Phoenix at Fnatic, nahihirapan ang Liquid dahil sa kanilang kawalan ng dedikadong in-game leader. Si Redgar ang gaganap sa role na ito upang matapalan ang isa sa mga kahinaan ng dating roster.

Team Liquid Valorant roster

  • Elias “Jamppi” Olkkonen
  • Ayaz “nAts” Akhmetshin
  • Saif “Sayf” Jibraeel
  • Igor “Redgar” Vlasov
  • Dom “soulcas” Sulcas

Si Coach Emil “eMIL” Sandgren ay mananatili sa team.



Napatunayan na ng mga bagong players ng Liquid ang kanilang husay sa international stage. Sa ilalim ng bandera ng Gambit, nanalo sina nAts at Redgar sa Masters Berlin 2021 at pumangalawa sa Champions ng nakaraang taon.

At bagama’t hindi pa nakakapagtaas ng international trophy si Sayf, humataw naman ito sa kanyang international debut sa Masters Copenhagen matapos niyang pumangalawa sa leaderboard pagdating sa K/D at Average Combat Score (ACS), nakakabilib na makita ito sa kanyang unang paglabas.

Ang pinakamalaking pagsubok ng Liquid ay magaganap sa susunod na taon, pag ang lahat nang 30 Valorant partnered teams ay nagkita-kita sa Sao Paulo, Brazil sa February para sa pinakamalaking VCT tournament na magaganap.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.