Maraming dapat abangan sa Valorant ngayong 2023.

Sa mga bagong mode, agents, maps, at marami pang iba na nasa pipeline, bukod pa sa mga plano sa pag-develop para sa mga bagong platform sa maliban sa PC, mukhang napaka-busy ng Riot Games sa ngayong taon.

Kinumpirma rin ng Executive Producer na si Anna Donlon na darating ang pinaka-inaabangang Team Deathmatch mode ngayong taon, sa isang bagong Dev Diaries video.

Team Deathmatch darating sa Valorant ngayong 2023

Replay feature sa Valorant kumpirmado ni Anna Donlon
Credit: Riot Games

Bagama’t mayroon nang sariling free-for-all Deathmatch mode ang Valorant kung saan ang mga players ay naglalaban-laban upang mag-unahang makakuha ng 40 kills, sa TDM mode naman ay magtulungan bilang isang team upang maabot ang score limit.

Sa team play ay maaari ding mangahulugan na mas maiwasan ang problema sa spawning kung saan mababaril ka agad sa likod matapos mag-spawn.

Ang kasalukuyang Deathmatch mode ay tinatanggal ang lahat nang abilities at nagtatalaga sa bawat player ng random na agent. Hindi pa malinaw kung mananatiling wala o magdadagdag ng mga abilities sa laban sa bagong TDM mode.

Ang mga fans ay palaging nag-aalala tungkol sa kakulangan ng iba’t ibang mga mode sa game. Mula nang ilunsad ito noong 2020, iilan lamang ang mga alternative modes sa Valorant maliban sa tradisyonal nitong Unrated at Competitive queues, kabilang na ang Spike Rush, Deathmatch, Escalation, Replication, Snowball Fight, at Swiftplay.

Wala pang balita sa eksaktong petsa ng paglabas ng TDM mode.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.