Ang isa sa pinakamahuhusay na controllers sa Southeast Asia ay hindi maglalaro sa VCT 2023 Pacific league, at may magandang dahilan kung bakit.
Nang pumirma si Nutchapon “sScary” Matarat sa BLEED eSports, pinalamapas niya ang pagkakataon na maglaro sa Pacific league – ang premier league sa APAC Valorant na daan papunta sa mga pinakamalalaking international events.
Sa halip, ang BLEED ay lalaban sa Challengers Ascension circuit, makikipagtuos upang ma-promote at makasali sa Pacific league sa 2024.
Gayunpaman, may mga mas importanteng bagay na inuuna ang 23-anyos, na inihayag niya sa Hubber.gg. Ang offer na kanyang natanggap mula sa BLEED ay masyadong malaki na hindi niya na kalian man poproblemahin pa ang pera, isang oportunidad na hindi niya pwedeng palampasin.
sScary ipinaliwanag kung bakit siya sumali sa BLEED eSports
“BLEED has given me a great opportunity to succeed and achieve the highest goals in life at the age of 23, while still doing what I love without having to worry about finances in this life again,” sabi niya.
Bagama’t ang paglalaro sa pinakamataas na lebel ng game ang pinakaimportante sa maraming players, inamin ni sScary na may ibang bagy din siyang kinokonsidera. Binanggit ng dating XERXIA Esports player na maikli lang ang career ng isang esports pro – sa oras na matapos ang kanilang panahon bilang isang player na sumusweldo, kailangan nilang maghanap ng ibang paraan upang suportahan ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya.
“I can’t be an athlete for the rest of my life,” sabi niya. “Being an athlete only spans a short period. It could be two years, five years, or 10 years, depending on the player.”
“After many years have passed, they will either be a legend or simply forgotten. What matters to me is how much money I can earn as an athlete.”
Kapag may nagtatanong sa kanya mula sa labas ng Valorant o industriya ng esports kung anong trabaho niya, hindi sila hanga kapag sinasabi niyang isa siyang pro player at naging kinatawan ng Thailand sa world stage. Sa halip, ang pumupukaw ng kanilang atensyon ay kung magkano ang kinikita niya.
“The money I received from joining BLEED is enough for my family and me to retire,” sabi niya. Mataas ang goal na ito para maabot sa edad na 23, kaya’t hindi nakakapagtaka na pinili ni sScary ang BLEED kaysa maglaro para sa isang franchised team.
Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na walang pakielam ang Thai star sa panalo. “My short-term goals remain the same. I want to be a world champion,” sabi niya.
Ngunit ang kanyang long-term goal na pagkakaroon ng financial independence para sa kaniyang pamilya ang uunahin niya sa pagkaktaong ito. Dalawang linggo niyang pinag-isipan ang desisyon na ito, at alam niyang may mga fans na hindi sasang-ayon dito.
Sa kabila ng lahat, bukas pa rin ang pinto ni sScary sa posibilidad na lumipat sa isang franchised team sa hinaharap. “If I’m still good enough and deserve to play, someday I will be able to play for sure,” sabi niya.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.