Ang positioning ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Valorant at ang pinakamagandang paraan upang malaman ang puwesto ng kalaban. Makatutulong dito ang saktong Sova Recon Bolt lineup.

Nagsulat ang Redditor at Valorant player na si KhigenNA ng mga pinakamabisang Recon Bolt lineups para kay Sova sa Haven, ang tanging mapa sa Valorant na may tatlong spike sites.

Ang masuring paglagay ng Sova darts ay makapagbibigay ng crucial na impormasyon para maipalam sa iyong mga kakampi kung ilang kalaban ang nagho-hold sa isang bahagi ng mapa.



5 Sova Recon Bolt lineups sa Haven

Sundin ang mga dilaw na marker sa mga imahe para matutok ang lineups.

Ang unang dart ay maaaring ibitaw mula sa A Site, sa tabi ng A Link. Tumayo sa tabi ng double-stacked box at itutok ang crosshair sa langit, habang inaasinta ang mga sanga. Magbitaw ng two-bar Recon Bolt nang walang bounce charge.

Ang dart ay tatama sa pasukan ng A Lobby, na perpekto para malaman kung nagra-rush ang mga attacker o nagho-hold lang.

Susunod ay isa pang defender Sova lineup na maaaring bitawan malapit sa gong ng B Site.

Tumayo sa likod ng site, malapit sa side ng A Link, at magbitaw ng isang two-bounce charge, full-power dart na nakatutok sa bubong ng B Site.

Ang arrow ay tatama mismo sa labas ng Attacker Side Spawn, bago ang madamong area sa harap ng mga pintuan ng Garage.

Ang Recon Bolt ni Sova ay maaari rin gamitin mula sa C Site patungo sa C Long dahil sa kung saan tumatama ang arrow. Madalas na nagkakaroon ng mahabang barilan sa pagitan ng C Site at C Long ang mga koponan.

Ang isang dart shot mula sa likod ng C site malapit sa C Link na walang bounce charges at dalawang bars ng power ay tatama sa isang sanga ng puno sa itaas ng C Long.

Ang dalawang huling dart ay maaaring ibitaw mula sa parehong spot sa A Garden. Parehong arrows ang nakatutok sa partikular na bahagi ng B site.

Ang unang arrow ay magtutukoy sa mga defenders na nagho-hold malapit sa pasukan ng B Site. Ang pangalawang dart ay tutukoy sa defenders na nagtatago sa likod ng B Site.

Upang ma-execute ang mga lineups na ito, tumayo sa tabi ng maliit na vase sa unang elevated level sa A Garden. Susunod, itutok ang crosshair sa dulo ng istruktura na nagko-cover sa B Site.

Gamitin ang dalawang bounce charges at dalawang bars ng power upang maabot ng dart ang likod ng B Site. Upang maabot ang Recon Bolt sa harap ng B Site, itutok ang crosshair nang mas mataas istruktura na sumasaklaw sa B Site. Gumamit ng dalawang bounce charges at dalawang bars ng power.

Ang limang simpleng darts na ‘to ay makatutulong para malaman mo kung aling sites sa Haven ang may mas onting defenders. Malalaman din nito kung aling site nagbabalak pumunta ang mga attacker sa simula ng laban.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: PRX f0rsakeN ibinahagi kung paano maging best duelist ala ‘W-Gaming’