Update as of April 28: Ang opisyal na patch 4.08 ay inilabas na, at naghatid ito ng mga Sova nerfs. Ang duration ng Owl Drone duration ay binabaan sa pitong segundo, habang ang drone health ay bumaba na din mula sa 100 patungong 125. Ang unang delay bago ang unang ping ay tumaas mula sa 1.2 patungong 1.6 seconds. Dahil sa mga pagbabago na ito, ang damage reduction sa Shock Bolt ay parte ng isang kasalukuyang effort para ibalanse ang non-ultimate abilities para masigurado na hindi ganoon kadaling makakuha ng kill.
Iilang Sova nerfs ang darating sa Russian initiator sa Valorant patch 4.08. Ang Fnatic stand-in at dating Alliance in-game leader na si Enzo “Fea” Mestari ang iisa sa mga unang nakapansin sa mga pagbabagong ito, matapos niyang ituro ang mga nerfs sa Shock Bolt at Owl Drone ni Sova.
Maaring mahikayat ng mga nerfs ang mga players na piliin ang panibagong initiator agent na si Fade, na dumating noon Episode 4 Act III. Dahil sa pagpapakilala sa isang bagong agent na naka-pokus sa information-gathering, maaring magkaroon na ng kompetisyon si Sova bilang go-to initiatior sa mga mapa.
Isa siya sa mga kasalukuyang most-picked agents sa Valorant, at pangalawa siya sa most-played agent sa Masters Reykjavik 2022, matapos lamang ni Jett.
Mga Sova nerfs sa Shock Dart at Owl Drone sa Valorant patch 4.08
Ang Shock Bolt ni Sova ay nagdudulot na ng mas kaonting damage, mula sa 90 points, naging 75 points nalang ito. Ang katagalan ng Owl Drone niya ay mas pinaikli rin, tumatatagal na ito sa loob ng pitong segundo kumpara sa dating 10. Dagdag pa riyan, ang mga tagged enemies ay dalawang beses lang ma-pi-ping imbis na sa dating tatlong beses, at mayroong mas mahabang delay sa pag-tag ng kalaban at sa first ping.
Ang mga pagbabago sa Shock Bolt ay mahalaga, dahil mabigat ang nerf na ito sa bangis ni Sova sa post-plant na mga sitwasyon. Kailangan mo nang makalapag ng dalawang direktang Shock Bolts para makuha ang maximum damage na 150 at makatumba ng kalaban.
Kung wala ka sa tutok kahit kaonti lamang, at nasa full health ang iyong kalaban, maaring makuha nila ang defuse.
Mas mahirap na rin makuha ang halaga ng Owl Drone ngayon. 400 credits pa rin ang halaga niya, ngunit dahil sa mas maikling flight time, mas tumaas ang tsiyansa na masayang ito kung hindi ka makakita ng kalaban.
Maliban diyan, iniba na rin ng Riot Games ang animation para sa Shock Bolt, at nagresulta ito sa isang malalang backlash dahil na-block nito ang iba sa lineups ni Sova. Sa mabuting palad naman, binawi ng developer ang mga pagbabago sa animation, kaya magagamit mo pa rin ang mga lineups mo.
Hindi masiyadong binago si Sova simula ng kaniyang paglabas bilang parte ng original cast ng mga agents noong 2020. Nakatanggap siya ng mga kaonting nerfs noon, katulad ng isang price increase sa Shock Bolt at Owl Drone sa patch 3.0.
Sa patch na iyon, ang bilang ng ultimate points na kailangan makuha para sa Hunter’s Fury ay tumaas mula sa pito patungong walo, habang ang cooldown timer para sa Recon Bolt ay tumagal mula sa 35 patungong 40 segundo.
Hindi nagiisa si Sova sa mga na-nerf sa patch 4.08. Ang Tailwind dash ni Jett ay na-rework din, at hindi na siya makakapag-dash on command gamit isang pindot lamang.
Ito’y isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.