Inanunsyo na rin sa wakas ng Sentinels ang kanilang kumpletong roster para sa VCT 2023 season.
Matapos ang ilang buwan pamamahinga sa competition, nagbabalik si Hunter “SicK” Mims sa team bilang kanilang sixth man. Si SicK na lang ang natitirang player mula sa orihinal na Sentinels roster na nabuo noong 2020, noong nasa team pa si Jay “sinatraa” Won.
Umalis sa roster si SicK noong kalagitnaan ng VCT NA Stage 2 Challengers, dahil sa isang family emergency at kanyang mental health. Wala din siya noong Last Chance Qualifier run ng team, kung saan pinaglaro nila sina Michael “shroud” Grzesiek and Jordan “Zellsis” Montemurro.
SicK isa sa gma naging pinakamahusay na flex players sa Valorant
Hindi naging masyadong maganda ang 2022 season para sa team, lalo na para sa isang organisasyon n tulad nila. Matapos magdomina sa mga unang panahon ng Valorant at manalo sa kauna-unahang international LAN sa Iceland, bumaba ang performance ng team sa 2022 at nabigong makapasok sa kahit isang Masters event o Champions.
Ang kanilang VCT 2023 roster ay binubuo ng isang rebuild na nakapalibot sa star player na si Tyson “TenZ” Ngo, na pinaghalong mga papasikat na talents at mga subok nang world champions.
Sa pagsali ng mga pinagsamang players ng XSET at LOUD, papasok ang Sentinels sa Americas league na may timplang bago sa paningin.
Inanunsyo kamakailan ng organisasyon ang pagsali ni Rory “dephh” Jackson sa team, na papalit sa kanilang longtime in-game leader na si Shahzeb “ShahZaM” Khan.
Sentinels Valorant roster
- Rory “dephh” Jackson
- Zachary “zekken” Patrone
- Tyson “TenZ” Ngo
- Gustavo “Sacy” Rossi
- Bryan “pancada” Luna
- Hunter “SicK” Mims
Ang kakayahan ni SicK na gampanan ang kahit anong role mula duelist hanggang initiator ang dahilan kung bakit nababagay siyang maging isang sixth player, kung saan maaari siyang ipasok upang palitan ang kahit sino sa roster.
Marami ang nakakakilala sa kanya bilang isa sa mga pinaka-consistent at versatile na players sa rehiyon, na kayang gumamit ng kahit anong role sa mataas na level.
Inalok din ng organisasyon ang posisyon bilang substitute kay Michael “dapr” Gulino, habang pinapayagan nila itong maghanap ng ibang offers bilang isang unrestricted free agent.
Magaganap ang international debut ng team sa February sa 30-man kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.