Ang Valorant ay isang first-person shooter game na nangangailangan ng matibay na gameplay skills tulad ng game sense, strategic thinking, at precision aiming.

Ang pagpapahusay ng mga fundamental skills na ito ay maaaring magpataas ng performance ng isang player. Gayunpaman, nagpa-alala si Michael “Shroud” Grzesiek, isang kilalang Twitch streamer, tungkol sa paggamit ng ilang high-tier skins, na sa kanyang paniniwala ay maaaring makahadlang sa performance ng isang player.

Naniniwala ang dating CS:GO at Valorant pro na ang mga skins na ito ay maaaring magdulot ng pagkatalo sa mga crucial round dahil maaaring maka-distract ang effects nito, dahilan para mawala sa focus ang isang player at maapektuhan ang kaniyang gameplay.




Ibinahagi ni Shroud ang collection siya ng Valorant skins na hindi masyadong nakaka-distract

Naniniwala si Shroud na ang partikular na koleksyon ng Valorant skins, lalo na ang mga nakapasok sa kategorya ng premium, ultra, o exclusive, ay maaaring magdulot ng disadvantage sa mga player.

Ipinaliwanag niya ito sa pamamagitan ng pagsubok sa Ruination Phantom. Ang rifle na ito ay may malakas na equip at reload sound effect, na maaaring magtago ng mga mahahalagang audio cues sa laro.

Pinangalanan niya ang mga mahal na Valorant bundles at collections bilang “pay to lose” dahil sa kanilang unique sound at visual effects na maaaring magdulot ng hadlang sa panahon ng gameplay.

Sa kanyang opinyon, ang pagpili ng lower-tier Valorant skins na walang mga distractions ay isang mas ayos para sa mga player na nais mapanatili ang kanilang focus at edge sa laro.

Ang Valorant skin collection ni Shroud

Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports mula sa Twitch stream ni Shroud

Ang mga skins na ito ay kinuha mula sa koleksyon ng Valorant ni Shroud noong Nobyembre 2022.

Sidearms

  • RGX 11Z Pro 2.0 Classic
  • Wayfinder Shorty
  • RGX 2.0 Frenzy
  • Reaver 11Z Pro Ghost
  • Crimsonbeast Sheriff

SMGS

  • RGX Stinger
  • Wasteland Spectre

Shotguns

  • Magepunk Bucky
  • Crimsonbeast Judge

Rifles

  • Endeavor Bulldog
  • Reaver Guardian
  • ChronoVoid Phantom
  • Elderflame Vandal

Machine Guns

  • Singularity Ares
  • Prime 2.0 Odin

Sniper Rifles

  • Crimsonbeast Marshal
  • RGX 11Z Pro 2.0 Operator

Melee

  • Crimsonbeast Hammer

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Best smokes sa Valorant map na Fracture