Maaring naputol ang takbo ng Sentinels sa VCT NA Last Chance Qualifier, ngunit patuloy na sumisikat ang team kasabay sa pagsali ng superstar streamer na si Tarik “tarik” Celik sa organisasyon.  

Mayroon ding pagkakataon na bumalik si Michael “shroud” Grzesiek sa team. Ang CS:GO pro turned Twitch celebrity ay naglaro ng tatlong matches lamang para sa team matapos sila nataktak sa LCQ, ngunit ang bersiyon ng Sentinels na iyon ang isa sa pinakamahusay na bersiyon nila.  

Habang hindi obvious choice ang 28-year-old noong una dahil sa apat na taon niyang pagwalay sa pro play, sinabi naman ni coach Shane “Rawkus” Flaherty na naging isang good fit siya para sa team.  

Sa isang panayam sa Valoranting, pinagusapan ni Rawkus kung bakit nila kinuha si Shroud para sa LCQ at kung paano siya umangkop sa team.  

Nag-reach out si Shroud sa Sentinels 

Valorant Sentinels Rawkus shroud
Credit: Riot Games

“We needed something grounded and we didn’t have a lot of options to pick up for that role,” sabi ni Rawkus. “He reached out to us. He wanted to do it.” 

“We also thought that the smoke role in general was a very rounded role. He’s also an experienced player and he had the right mindset for our team.” 

Sa katunayan, sumangayon si Shroud sa in-game leader na si Shahzeb “ShahZaM” Khan. “He thinks about the game the same way as ShahZam,” sabi ni Rawkus. “It just made sense. The other options that we were considering at the time didn’t really fit what we wanted.” 

Sa kaniyang oras sa Sentinels, pinatunayan ni Shroud na nakikinig siya sa mga feedback na binibigay sa kaniya. Hindi siya nahiyang magsipag para mas humusay sa kaniyang role bilang main controller ng team. Kahit na nagsimula siyang komportable kay Omen, nakuha niya rin ang ibang agents tulad nina Brimstone, Viper, at Astra.  

“He also learned the most lineups I’ve ever seen. Like crazy lineups that haven’t even been invented yet,” sabi ni Rawkus. 

Sa kasamaang palad, hindi siya nakakuha ng maraming oportunidad para magamit ito. Sa kanilang LCQ opening match laban ang The Guard, siya ang nag-planta ng spike kaya ang ibig sabihin nito ay hindi siya naka-posisyon para magamit ang mga post-plant lineups niya gamit si Viper.  

Pagkakamali nila iyon, ani ni Rawkus. “Everyone was just so focused on winning, we forgot the most important thing, which is getting the spike,” sabi niya habang tumatawa.  

Simula noon, nagpakita na ng interes si Shroud na ipagpatuloy ang kaniyang career sa pro Valorant. At ngayon na kumpirmadong magaganap sa Los Angeles ang Americas league ng VCT 2023 season, nagmumukhang babalik si Shroud—kahit na hindi ito sa Sentinels rosters.  

Panoorin ang buong panayam dito.