Hindi mawawala ang G2 Esports sa kabila ng hindi nila pagkuha ng partnership sa VCT 2023 season.

Kinuha ng European organization ang mga dating Sentinels na sina Shahzeb “ShahZaM” Khan at Michael “dapr” Gulino, at isinasagawa na ang kanilang planong lumayo muna sa Europe upang sa North America mag-compete.

Nakuha ng G2 ang isa sa 10 partnership spots sa Americas league at nakatakda nang kunin ang papaalis na roster ng XSET, ngunit nabulilyaso ito nang masangkot nag kanilang CEO na si Carlos “Ocelote” Rodriguez sa issue ni Andrew Tate at napilitan ang Riot Games na bawiin sa kanila ang slot.

ShahZam at dapr kabilang sa bagong North American roster ng G2 Esports

dapr shahZam joins G2 Esports
Credit: Riot Games

Hindi naisama ang Sentinels duo sa bagong roster para sa 2023 na nagsisilbing muling pagbangon ng dating hindi mapigilang team sa susunod na season.

Sa kabila ng ilang mahusay nilang ipinakita sa VCT NA Last Chance Qualifier, hindi nila nagawang umabante paputnang Valorant Champions 2022, na nagsilbing panapos nila sa isang nakakapanlumong taon.

Nagpaalam naman ang G2 sa kanilang European roster noong October, upang magbigay daan sa pagsali nila sa ibang franchised organiozations.

Para naman sa team, nakuha nila ang dating Version1 players na sina Erik “penny” Penny at Maxim “wippie” Shepelev. Kinumpleto naman ang team ng dating Dark Ratio player na si Oxy.

Parehong sumikat bilang mga star duelist sa kani-kanilang teams sina penny at Oxy, at hindi pa malinaw kung sino sa kanila ang gaganap na primary duelist.

G2 Valorant roster

  • Shahzeb “ShahZaM” Khan
  • Michael “dapr” Gulino
  • Erik “penny” Penny
  • Maxim “wippie” Shepelev
  • Oxy

Si Ian “Immi” Harding, dating head coach ng Version1, ang magiging coach ng team.

Tututukan ng G2 ang Challengers circuit, na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makapasok sa Americas league pagdating ng 2024 sa pamamagitan ng Ascension tournaments.

Ang bawat Challengers split ay magtatapos sa isang Challengers Ascension series, kung saan ang mananalo ay makakakuha ng pwesto sa kani-kanilang international leagues.

Kung sakaling makapasok ang team, may posibilidad na makaharap nina ShahZam at dapr ang kanilang dating organization. At matapos ang napabalitang hindi maayos na pagbitiw sa kanila, mukhang binabalak nilang gumanti.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.