Maaring papirmahin ng Sentinels ang mga Valorant Champions 2022 winners na sina Gustavo “Sacy” Rossi and Bryan “pANcada” Luna, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.
Matapos masiguro ang kanilang partnership spot sa VCT 2023 season, naging masigasig ang North American organization sa pagbuo ng isang malakas na roster para sa paparating na Americas league.
Pumutok ang balita matapos kunin ang organisasyon ang kanilang mga bagong coaches na sina Don SyykoNT” Muir at Ada “Kaplan” Kaplan, kasama na rin ang dating XSET superstar na si Zachary “zekken” Patrone.
Upang magbigay daan sa mga bagong miyembro, nagpasya ang Sentinels na bitawan ang mga unang miyembro ng team na sina Shahzeb “ShahZaM” Khan at Michael “dapr” Gulino. Ang dalawang dating Masters Reykjavik 2021 champions ay ngayo’y unrestricted free agents na at naghahanap ng masasalihang squad para sa susunod na taon.
Sentinels makukumplleto na ang kanilang Valorant roster sa pagkuha kina Sacy at pANcada
Naging mahalaga ang papel na ginampanan nina Sacy at pANcada sa perfect playoff run ng LOUD sa Valorant Champions 2022. Nalagpasan ng Brazilian superteam ang kanilang mga karibal sa North America at tinalo ang OpTic Gaming 3-1 sa grand final. Dahil sa panalong ito ay nakuha rin ng Brazil ang kanilang unang international Valorant trophy.
Nagpahiwatig ang captain at in-game leader ng LOUD na si Matias “Saadhak” Delipetro na magwawatak-watak na ang Valorant world champions nang mag-tweet siya ng isang salita – “disband.”
Ang dalawang Brazilian stars ay nakatakdang makasama ang in-game leader na si Rory “dephh” Jackson at zekken.
Naiulat din na mananatili sa Sentinels ang Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo. Gayunpaman, hindi pa natatapos ang deal. Ang kontrata ni TenZ ay nakatakdang magtapos sa katapusan ng taon.
Sina Sacy at pANcada ay marahil magpapatuloy sa kanilang initiator at controller roles. Samantalang si zekken naman ang inaasahang magiging duelist main, at si dephh ay magkakaroon ng flex role kung kakailanganin ng squad ng dagdag na initiator o controller agent. Si TenZ ay huling namataang naglalaro bilang sentinel para sa team, na maaaring maulit sa susunod na season.
Matapos lumabas ng balita, ang sentinel main ng team na si dapr ay nagpahayag ng kanyang pagiging available sa Twitter.
“Sentinels have offered me a role as a sub, but have given me the ability to look for a new team as an unrestricted free agent,” said dapr.
Ang Sentinels at ang LOUD ay maglalaban kasama ng walo pang teams sa Americas league sa susunod na taon. Ang dalawang squads ay magkakaroon din ng international debut sa February sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.