Nasungkit ng Team Liquid ang kanilang unang panalo sa Valorant Champions 2022 matapos matalo ang Edward Gaming 2-0 sa group stage elimination match.
Naging bida ang captain ng Liquid na si Adil “ScreaM” Benriltom sa serye matapos makuha ang MVP ng team nila na 13-5 sa Bind, at 14-12 sa Breeze.
Ginulat din ng 28-year-old ang lahat sa kaniyang pagpili kay Phoenix, isang di inaasahang duelist pick sa Breeze.
Sa post-match interview ng main broadcast ng Riot Games, ipinaliwanag ni ScreaM kung bakit swaka ng kaniyang playstyle kay Phoenix. Naniniwala rin siya na ang mga buffs ng duelist na ito sa Valorant patch 5.01 ay naging rason kung bakit naging isang kaaya-ayang choice siya sa pro play.
Bakit pinaka-swak na duelist pick si Phoenix para kay ScreaM ng Team Liquid
Mababa ang pick rates ni Phoenix sa competitive play. Sa 31 maps na nilaro sa Valorant Champions 2022, napili lamang siya nang tatlong beses.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si ScreaM na malakas na duelist si Phoenix.
“Since the update, I feel like Phoenix had a pretty big buff,” sabi niya. “I feel like people don’t recognize it as they should.”
Tinutukoy niya ang mga buffs na ginawa ng Riot Games sa Curveball, Blaze, at Run It Back ultimate ni Phoenix.
Tumaas ang flash duration ng Curveball mula sa 1.1 seconds patungong 1.5 seconds, habang ang flash windup ay bumaba mula sa 0.7 seconds patungong 0.5 seconds. Dagdag pa riyan, mas maagang na-e-equip ni Phoenix ang kaniyang weapon sa tuwing tinitigilan niya ang pag-bend ng kaniyang Blaze Wall.
Tumaas ang flash duration ng Curveball mula 1.1 seconds patungong 1.5. Ang Run It Back ultimate ay nakatanggap rin ng isang major buff na hinahayaang makapag-respawn si Phoenix nang may parehas na dami ng kaniyang shields noong na-cast niya ito, kahit na nawala ito sa isang bakbakan.
Ginamit rin ni ScreaM ang lahat ng mga bagong buffs ni Phoenix para buhatin ang kaniyang team sa isang panalo. Para matanggal sa kanilang Operator angles sina Chamber at Jett ng EDG, ginagamitan ni ScreaM ng Curveball flash ito bago siya mag-push sa site para umatake.
Pumipili rin siya ng mga hindi contested na ultimate orbs sa Breeze. Dahil dito, nagagamit niya ang kaniyang Run It Back nang mas maraming beses. Ang pag-entry ni ScreaM gamit ang kaniyang ultimate ay hinayaan ang Liquid para makakuha ng kills at masungkit ang man advantage.
Isang rason pa kung bakit mas gustong piliin ni ScreaM si Phoenix kumpara sa ibang duelists ay alam niyang pinakamahusay siya sa rifle.
“I don’t play Operator, so it is a good agent for me,” sabi niya.
Sa paglaro ni Elias “Jamppi” Olkkonen kay Chamber, mayroon nang nakalaan na Operator player ang Liquid.
Maaring panoorin nang live ang Valorant Champions 2022 sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.