Nilisan na ng magkapatid na sina Adil “ScreaM” Benrlitom at Nabil “Nivera” Benrlitom ang Team Liquid upang ipakita ang kanilang talento kasama ang ibang koponan sa darating na Valorant Champions Tour (VCT) 2023 season.
Isa si ScreaM sa mga orihinal na miyembro ng Team Liquid roster. Sumali siya noong August 2020 bilang parte ng fish123 lineup. Samantala, sumanib naman si Nivera noong Setyembre matapos ang kanyang retirement sa CS:GO. Nagsilbing star duo ang magkapatid kasama si Finnish extraordinaire na Elias “Jamppi” Olkkonen.
Bilang pamalit sa kanila, inaasahang kukunin ng Liquid sina former Gambit Esports players Ayaz “nAts” Akhmetshin and Igor “Redgar” Vlasov kasama si Guild Esports star Saif “Sayf” Jibraeel para sa 2023 season.
Bali-balitang lilipat sina ScreaM at Nivera sa Karmine Corp
Nali-link sina ScreaM at Nivera sa French organization na Karmine Corp, isa pang partnered organization sa EMEA league.
Inaasahang maglalabas ng French-speaking roster ang Karmine Corp na kinabibilangan ni former CS:GO pro Alexandre “xms” Forté. Magiging throwback ito sa sariling CS:GO career ni ScreaM, kung saan naglaro siya para sa mga French teams tuald ng VeryGames, Titan, at Team Envy.
“Forever in my heart for all the battles we fought,” saad ni ScreaM sa Twitter kung saan nagpasalamat siya sa mga kakampi at staff sa Liquid. “More information about my future soon.”
May kasamang hourglass emoji sa kanyang tweet na sinusundan ng ellipses, na ni-tweet din ng Karmine Corp at lalong ipinahiwatig ang malaking transfer.
Sa parte naman ng Liquid, maaari silang tumingin sa pagdadag sa in-game leader na si Redgar. Isa sa mga naging suliranin ng koponan ang kawalan ng dedikadong IGL kaya minsan si ScreaM ang nagsisilbing entry fragger at IGL.
Nakapasok ang Liquid sa dalawang international events ngayong taon at pinakakapansin-pansin ang Valorant Champions 2022. Nagwagi ang koponan sa VCT EMEA Last Chance Qualifier kung saan tinalo nila ang M3 Champions sa isang revenge match sa grand final.
Dahil sa pag-alis ng magkapatid, naiwan si Dom “soulcas” Sulcas bilang natitirang miyembro ng fish123 roster.
Para sa mga balita sa esports at game guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.