Opisyal na.

Inanunsyo na ng Sentinels na ang reigning Valorant world champions na sina Gustavo “Sacy” Rossi and Bryan “pANcada” Luna ay sumapi na sa kanilang roster.

Ang sikat na North American organization ay malapit nang matapos sa kanilang roster rebuild para sa VCT 2023 season. Ang huling miyembro na inaasahang kukumpleto sa kanialng roster ay ang in-game leader na si Rory “dephh” Jackson, na naiulat na sasali rin sa team, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.

Upang magbigay daan sa mga bagong dating, nagpasya ang Sentinels na pakawalan ang dalawa sa kanilang mga orihinal na miyembro, sina Shahzeb “ShahZam” Khan at Michael “dapr” Gulino. Ang dalawang Masters Reykjavik 2021 champions ay mga unrestricted free agents na ngayon, na naghahanap ng masasalihang squad para sa susunod na taon.

Sacy at pANcada sumapi sa North American organization na Sentinels para sa VCT 2023 season

Sacy at pANcada opsiyal nang miyembro ng Sentinels
Credit: Sentinels

Naging mahalaga ang dalawang Brazilian stars sa nakakabilib na season run ng LOUD noong VCT 2022. Naghari ang LOUD sa Brazilian region, kung saan nanalo sila sa VCT Brazil Stage 1 at 2 Challengers nang walang talo maski isang map.

At upang tapusin ang kanilang taon, tumulong sina Sacy at pANcada na maiuwi ng LOUD sa Brazil ang una nitong international trophy nang talunijn nila ang kanilang NA rivals na OpTic gaming 3-1 sa grand final ng Valorant Champions 2022.

“I confess that it was not an easy decision to make,” tweet ni Sacy. “The career of a professional esports player is made of opportunities and since I started in League of Legends back in 2013, I always had the dream of living an international challenge and this moment has finally arrived!”

“I won almost everything I could this year, but it’s time to go in search of new challenges,” tweet ni pANcada.

Ang dalawang ex-LOUD players ay sasamahan ng Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo at dating XSET standout na si Zachary “zekken” Patrone.

Sina Sacy at pANcada ay marahil magpapatuloy sa kanilang initiator at controller roles. Samantalang si zekken naman ang inaasahang magiging duelist main, at si dephh ay magkakaroon ng flex role kung kakailanganin ng squad ng dagdag na initiator o controller agent. Si TenZ ay huling namataang naglalaro bilang sentinel para sa team, na maaaring maulit sa susunod na season.

Ang Sentinels at ang LOUD ay maglalaban kasama ng walo pang teams sa Americas league sa susunod na taon. Ang dalawang squads ay magkakaroon din ng international debut sa February sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.