Maraming dapat abangan sa pipeline para sa Valorant. Ang isang kamakailang pag-update ng Dev Diaries ay pinasabik nila ang mga players sa pagdating ng Team Deathmatch at ang Premier tournament mode ngayong taon, ngunit hindi lang ‘yon ang ginagawa ng Valorant team.
Isa sa mga pinaka-hinihiling na feature ng esports pros, isang replay function, ay opisyal nang ginagawa, ayon kay Executive Producer Anna Donlon.
Ang tampok na replay ay magbibigay-daan sa mga manlalaro na mag-download ng mga videos ng mga nagdaang matches, na ginagawang mas madaling suriin ang mga diskarte at pagkakamali, sa halip na umasa sa software ng third-party tulad ng NVIDIA GeForce Experience.
Riot Games tinatrabaho na ang replay feature ng Valorant
Sa isang Twitter pag-update, kinumpirma ni Donlon na magkakaroon ang game ng replay feature, kahit na walang binanggit nito sa video ng Dev Diaries.
“We typically don’t talk about those things until we can make firmer commitments around dates or share actual details,” paliwanag niya. “Mainly out of concern we might hype things up sooner than we should or over-promise.”
Nangangahulugan ito na hindi natin dapat asahan na ilulunsad ang feature ngayong 2023. Upang mas mabigyan kayo ng mas malinaw na ideya, nagdagdag lang ang Riot ng mga replay para sa League of Legends noong 2016, pitong taon pagkatapos ilunsad ang game. Nagagawa rin ng mga players na kumuha ng mga clip ng mga in-game highlights gamit ang built-in recording functionality.
Ang mga replays ay isang staple ng anumang esport. Sa CS:GO, madaling mada-download ng mga players ang mga recording ng mga nagdaang matches sa screen ng endgame.
Nagpahiwatig din si Donlon ng mas exciting na additions sa game, kabilang ang mga bagong server locations upang matiyak ang mas mababang ping para sa mas marami pang mga players. Ang team ay patuloy na nakikinig sa feedback ng mga players, habang may ilang mga features ang kasalukuyang dine-develop.
Bilang mensahe, nagpahayag si Donlon ng pagnanais na makipag-chat pa ang mga players upang pag-usapan kung ano ang mga dapat pang abangan at pagbutihin, na magsisimula sa isang Lotus AMA at isang talakayan kasama ang Agents team sa February.
Pansamantala, malamang ay kailangan muna nating gumamit ng OBS o GeForce Experience kung gusto nating pag-aralan ang ating gameplay.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.