Bagamat mahusay ang The International 11 kampanya, lilisan na ang roster ng Thunder Awaken mula sa organisasyon ayon sa anunsyo ng South American org sa Facebook.

Ito ay karugtong ng pag-alis ng dalawang Thunder Awaken players na sina Herrera “DarkMago” Gonzalo at Rafael “Sacred” Yonatan na parehong dumako sa karibal na team na beastcoast kamakailan.

Record-breaking ang performance ng TA matapos makuha ang joint-fifth place finish sa TI11, ang pinakamataas na placement ng isang koponan mula sa rehiyon. Nadaig nito ang dating record ng beastcoast na nakakuha ng joint-seventh place finish sa TI9 at TI11.


Thunder Awaken -beastcoast superteam, posible ba?

Credit: Valve

Umiingay ngayon ang balita na may mabubuong SA superteam mula sa mga natitirang miyembro ng beastcoast at TA— isang all-star roster na binubuo ng Evil Ginuses na isa sa mga nangungunang organisasyon sa North America.

Rumored EG roster for Dota Pro Circuit 2023

  • Christian “Pakazs” Casanova
  • Jean “Chris Luck” Salazar
  • Adrián “Wisper” Dobles
  • Farith “Matthew” Huamancaja
  • Jose “Pandaboo” Hernandez

Kahit wala ang kanilang history-making team, mistulang kinukumpirma ng Thunder Awaken ang kanilang intension na manatili sa eksena kasama ang bagong roster.

“We reaffirm our commitment to Dota 2, we love this game and the community, so we will continue to participate,” sulat ng org sa nasabing anunsyo.

I-liket at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita ukol sa Dota 2.

BASAHIN: Tundra Esports umarangkada sa tuktok ng Dota 2 matapos ang sweep sa TI11 grand finals