Isa sa mga pinakabago — pero pinakamayamang — esports organization ay pumasok na sa North American Dota 2 scene.
Kinuha ng Shopify Rebellion, na noong Pebrero ng nakaraang taon lang pumasok sa esports, ang roster na binitiwan ng Evil Geniuses papasok sa panibagong Dota Pro Circuit.
Bilang kapalit kay Egor “Nightfall” Grigorenko, na kinuha ng BetBoom Team, kinuha ng organisasyon si Jonáš “SabeRLight-” Volek mula sa TSM para mapunan ang role ng offlane.
- Ito ang pangarap na gustong matupad ni Faith_bian matapos mag-retire mula sa Dota 2
- Ganito ginagastos ng TI11 champs Tundra Esports ang ₱481 milyong premyo nila
Dota 2 roster ng Shopify Rebellion para sa DPC 2023
- (1) Artour “Arteezy” Babaev
- (2) Abed “Abed” Yusop
- (3) Jonáš “SabeRLight-” Volek
- (4) Andreas “Cr1t-” Nielsen
- (5) Tal “Fly” Aizik
- (coach) Kanishka “BuLba” Sosale
Pinalalakas pa rin nina Arteezy at Filipino midlaner na si Abed ang roster, na naglaro sa Evil Geniuses sa loob ng halos anim na taon.
Halos walang pinagbago sa roster na patuloy ang pamamayagpag sa rehiyon pero bigong mangibabaw sa mga LAN. Noong 2022, hindi nakalagpas sa bottom half ang placing ng koponan sa mga Major tournament.
Bigo rin silang makapag-iwan ng marka sa The International 2022 kahit pa nagawa nilang makapagpakitang-gilas sa group stage. Natalo kasi ng dalawang sunod na serye ang Evil Geniuses pag pasok sa playoffs, dahilan para matapos ang kanilang kampanya sa ikasiyam na puwesto.
Sa tulong ng bagong miyembro na si SabeRLight-, susubukang magtala ng Shopify Rebellion ng mas magandang resulta sa DPC 2023.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: SIBOL Dota 2 kinuha ang pilak, kinapos kontra Indonesia sa IESF 2022 grand finals