Gaya ng inaasahan base sa mga miyembrong bumubuo ng kanilang roster, maganda ang takbo ng Dota Pro Circuit 2023 Southeast Asia Tour 1 Division 1 para sa Blacklist Rivalry.
Pinangibabawan nila ang Bleed Esports, 2-1, para simulan ang kanilang kampanya ngayong taon suot ang bagong jersey. Sa kabila ng nasabing resulta, pinuri pa rin ni Kuku—na ngayon ay BossKu na—ang lakas ng Singapore-based team.
- Kilala na bilang Geek Slate ang Geek Fam, at magsisimula ito sa kanilang Dota 2 roster
- Shopify Rebellion pumasok sa Dota 2 gamit ang dating Evil Geniuses roster
Kuku ng Blacklist Rivalry ipinaliwanag kung bakit Bleed Esports ang pinakamalakas na team sa DPC SEA
Sa post-game interview, ipinaliwanag ng 26-taong-gulang na beterano kung bakit sa tingin niya ay ang koponang pinalalakas ng Filipino support player na si Prieme Ejay “PlayHard” Maque ang pinakamalakas sa rehiyon.
“They are always sticking in-game, and it’s really hard to get pick-offs against them,” ani Kuku.
Bukod sa seryeng umabot ng tatlong mapa, nawalis din kasi sila ng Bleed Esports noong M88 Invitational Tournament kaya’t nasabi ito ni BossKu. Ang parehong koponan din ang hinirang na kampeon noon matapos walisin ang BOOM Esports sa grand final.
Kaya naman nang magharap muli ang dalawa, sinigurado na ng Blacklist Rivalry na sila naman ang magpapadanak ng dugo. Matapos nilang kontrahin ng Centaur Warrunner ang midlane Lina para matabla ang serye, nagpamalas ng husay sa team fight ang koponan ni BossKu para mapanalo ang laban.
“In the last tournament, we got destroyed by Bleed, so maybe they got baited,” giit ni BossKu.
Mapapanood ang kumpletong post-game interview ni Kuku dito:
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Hangad ng Blacklist Rivalry na sila ang magpapasimula ng new meta, sabi ni Raven