Si Michael “miCKe” Vu ang bida sa arangkada ng Team Liquid sa lower bracket final bakbakan kontra Talon Esports, 2-0, para itaguyod ang pilay na team papunta sa grand final ng Lima Major.

Nakapagtala ang 23-anyos ng sumatotal na 36 kills, 16 assists kontra sa four deaths.

Bagamat malayong isipin na underdogs ang Liquid, malayo kasi ang tikas ng team sa nakagisnan lalo pa’t lumiban sa serye si Samuel “Boxi” Svahn, at nagbaga ang Talon Esports matapos ang sery kontra Shopify Rebellion.

Sa seryeng ito, pinili ng Liquid na palaurin si Aydin “iNSaNiA” Sarkohi sa position four habang ang stand-in na si Mathis “Jabbz” Friesel ang naglaro sa position 5.


Sinasagaan ng Liquid ang kalaban gamit ang Lycan at Nature Prophet sa Game one

Credit: Valve

Pinagana ng Western European team ang zoo strategy tampok si Nature Prophet bilang carry habang Lycan naman ang tumao sa offlane. Swabe ang naging desiyon ng team sapagkat na-punish nila ang lineup ng Talon na sumandal ng maigi sa late game Spectre ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon.

Liquid ang nanaig sa lanes at patunay ang taas ng networth ng tatlo nilang cores sa early game. Bagamat sinubukan ng Talon na kumuha ng fights, hindi na naging maganda pa ang sitwasyon ng Talon dahil sa dami ng units na umiikot sa mapa.

Tumindig ang pigura ni miCKe sa huling team fight na nagsuma sa naging tema ng buong laro para sa Liquid.


Liquid pumihit ng henyong late game para manaig kontra Talon sa dikitang game two

Nanumbalik ang tindig ng Talon sa game two kung saan nagawang sumaby ng Terrorblade ni 23savage at Templar Assassin ni Rafli “Mikoto” Rahman. 

Nagawa pa rin ng Liquid na makuha ang momentum ng laro dahil sa husay nila sa teamfights ngunit ipinakita ni Mikoto ang sakit ng physical burst at snipe skills ng kaniyang hero sa mid-game, kasunod ang kaniyang team na nagpakawala ng crowd control para kuyugin ang mga miyembro ng Liquid.

Gayunpaman, nahirapan ang Talon na pausbungin pa ang abanteng ito dahil sa Nature’s Prophet ng Liquid na kumuha ng maagang Aghanims Scepter at Heaven’s Halberd para puguin ang kanilang physical attack.

Si miCKe muli ang humulma ng kinalabasan ng laro dahil matinding plays sa Morphling ang isinalng ng pro para itala ang 17/3/8 KDA. Nagawa kasing kontrahin ni miCKe ang physical damage ng kalaban gamit ang kinopyang Refraction at Meld.

Kaya naman, nakalista ang kaniyang Morphling ng dalawang Ultra Kills sa paligid ng Rohsn pit, daan para makuha ng Liquid ang krusyal na objectives at push.

Hindi sumuko ang Talon ngunit hindi na nila nagawang pigilan pa ang arangkada ng Liquid na nagmartsa papunta sa kanilang base para maselyo ng tiket sa grand finals.

Bagamat kinapos sa dulo, malayo ang narating ng Talon na unang Southeast Asian team na naka-podium finish sa Major event na huling nagawa ng isang SEA team sa WePlay Animajor noong 2021 kung saan bumida si 23savage para sa T1. Katuwang ng 3rd place finish, nag-uwi rin ng US$75,000 ang koponan at 300 Dota Pro Circuit points.

Para sa iba pang balita sa Dota 2, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Bakit si Lina ang pinaka-OP na hero ngayon sa Dota 2 patch 7.32d?