Nilaglag ng Polaris Esports ang T1, na pinangungunahan nina Topias “Topson” Taavitsainen at Anathan “ana” Pham, sa Southeast Asian qualifier ng The International 2022.
Isa ang T1 sa mga koponang inaasahang mangibabaw sa naturang qualifier, lalo na noong inanunsyo ng organisasyon ang paglisan nina Kim “Gabbi” Villafuerte at Karl “Karl” Baldovino para mapalakas ng ng dalawang two-time Aegis of Champions bearer ang kanilang lineup.
Matagumpay naman nilang nasimulan ang kanilang kampanya matapos ang pagpapakitang-gilas ni ana gamit ang Carry Marci, pero nagsimula ang kanilang pagbagsak nang sipain sila ng Talon Esports mula sa upper bracket grand final. Susubukan pa sana nilang bumawi, pero tinuluyan na sila ng koponan ni Marvin “Xavius” Rushton.
Force at Natsumi- bumida sa tagumpay ng Polaris Esports kontra T1
Pinakitaan ng Polaris Esports ng magandang serye ang T1. Umabot ang bakbakan hanggang sa ikatlong mapa, na bagamat ay kontrolado ng mga Pinoy, ay umabot pa rin ng 50 minuto.
Magkatuwang na sinelyo ng Enigma ni Nikko “Force” Bilocura at Phantom Lancer ni John Anthony “Natsumi” Vargas ang kanilang tagumpay matapos ang isang clash ilang sandali bago isuko ng T1 ang gg call.
Apat na heroes ang nahuli ni Force sa kanyang Black Hole, bandang 49-minuto ng bakbakan para respundehan ang kakamping carry. Nabigyan ng counter-initiation na ‘to ng pagkakataon si Natsumi para makabwelo at kalauna’y isa-isang lusawin ang buhay ng mga miyembro ng T1.
Nakapukol pa ng Double Kill ang Templar Assassin ni ana bago siya mag-dieback mula sa kamay ng Phantom Lancer. Pinako ng Polaris ang Esports ang kanilang panalo kasabay ng pagselyo ni Natsumi sa kanyang Rampage matapos patumbahin ang Earthshaker ni Kenny “Xepher” Deo.
Naka-abante sa grand final ng TI11 SEA qualifier ang Polaris Esports kung saan naman binigo sila nina Nuengnara “23savage” Teeramahanon at Talon Esports.
Samantala, hindi pa naman dito nagtatapos ang kampanya ng T1 at Polaris Esports patungo sa Dota 2 world championship ng taon. Pasok pa rin kasi sila sa Last Chance Qualifier kung saan haharapin nila ang 12 koponang nagtapos sa second at third places ng kani-kanilang qualifier.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: TI11 SEA Qualifier: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood