Bibigyan ng tiyansa ng Valve ang fans na maipakita ang kanilang mga napupusuan sa TI11 Battle Pass Team at Player stickers. Bawat isa Team at Player Autograph Sticker ay magtatampok ang mukha ng players at logo ng team na kinabibilangan nila.
May autograph din ang mga ito at may apat na bersyon na available: Basic, Glitter, Holo at Gold. Permanente ang mga ito kung kaya’t mananatili ito sa inyong collection kahit tapos na ang TI11 event.
Magiging available ang mga ito para 30 teams na sasabak sa TI11. Maaari ding i-highlight ang players o team sa sticker collection na lalabas sa profile para makita talaga kung sino ang sinusuportahan.
Bukod dito, puwede rin itong gamitin para ma-personalize ang heroes. Maaari kasi ang player o team stickers na makabit sa hero, na lalabas naman sa Versus at MVP screens.
Paano makakuha ng TI11 Battle Pass Team at Player Stickers
Para sa mga gustong makakuha ng TI11 Battle Pass Team at Player Stickers, maaring makabili ng Sticker Capsules sa Sticker store.
Kalahati ng kikitaing pera dito ay mapupunta sa teams na kasama sa nabiling capsule ayon sa Valve. Ibibigay ang capsules na ito saBattle Pass owners sa levels 1, 150 at 300.
Kung alam na ang nais makuhang stickers sa collection, maaari din namang direkta na bumili sa Steam Community Market.
Para sa iba pang detalye tungkol sa TI11, sundan lamang ang Facebook page ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Lahat ng koponan na lalahok sa TI11 Last Chance Qualifier