Tatlong koponan ang naiisip ni Artour “Arteezy” Babaev na aangat sa The International 11 (TI11) Last Chance Qualifier. Sinabi ng Evil Geniuses carry player na ang Xtreme Gaming, Virtus.pro at Team Liquid ang mga paborito na makapasok sa Main Event.
Ayon sa 26-year-old pro, kaya sanang ipanalo nila Zhang “Eurus” Chengjun at Xtreme ang TI11 China Regional Qualfier, ngunit marami silang na-“throw” na laro.
“They could have two of those three games that they lost, I thought. They just made some bad decisions,” ani ni Arteezy sa eksklusibong panayam sa ONE Esports. “They just weren’t able to play focused and threw a lot of games.”
Sa halip, ang Royal Never Give Up na kinabibilangan ng tatlong miyembro ng TI8 at TI9 squad ng PSG.LGD ang direktang nakapasok sa TI11 matapos walisin ang XG sa iskor na 3-0 sa grand finals.
Tinawag naman ni Arteezy na “stable” ang Virtus.pro at malakas ang paniniwala niya na magtatapos sila sa top 2 sa TI11 LCQ. Ang koponan na kinilala rin bilang Outsiders ay isang puntos na lang mula sa pag-secure ng direct invite sa TI11.
Bagamat nagbanggit ang EG carry ng tatlong koponan, napag-isipan niya na hindi siya gaanong confident sa Team Liquid. Kahit maganda ang pinakita ng Liquid sa tatlong DPC Tour, pumalya silang makakuha ng DPC points sa dalawang Major na napuntahan nila ngayong taon. At natalo rin sila ng Team Secret sa Western Europe Qualifier.
Team Spirit at PSG.LGD pa rin ang top teams sa darating na TI, ayon kay Arteezy
Nasaksihan sa TI10 grand finals noong nakaraang taon ang pananaig ng underdogs na Team Spirit laban sa Chinese juggernauts na PSG.LGD. Isang taon ang makalipas, napanatili nila ang kanilang lakas na nagdala sa kanila sa taas.
“All the teams are pretty good. The top teams though? I think it’s probably the grand finals of the last Major,” paglalahad ni Arteezy.
Para kay Arteezy, may X-factor ang Spirit at LGD na naghihiwalay sa kanila sa ibang koponan. Pinaliwanag din niya na iba ang environment sa TI kung saan ang mga koponan na hindi inaasahang umangat ay maaaring magpakitang-gilas sa kabila ng mga nakalipas nilang resulta.
“You have this feeling that they are not exactly gonna represent themselves the same way,” wika niya. “But I don’t have that feeling about Spirit or LGD. I think those teams are very stable teams. I’d be very surprised if they don’t get at least top three.”
Para sa esports news at game guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.
BASAHIN: TI11 Last Chance Qualifier: Group stage standings, schedule at mga resulta