Kapag competitive gaming na ang pinag-uusapan, bawat kalamangan ay mahalaga. Kaya sa isang tactical shooter tulad ng Valorant, isa sa mga kritikal na elemento para sa anumang koponan ay ang ma-control ang post-plant situation.

Ang paghahagis ng isang post-plant molly ay isa sa mga pinakakaraniwang taktika upang pigilan ang pagdedepensa ng bomba. Gayunpaman, ipinakita ni Ethan “Ethan” Arnold na mayroong siguradong paraan upang labanan ang taktikang ito.

Nagpasya kami na pag-aralan nang mas mabuti ang diskarte ng pro player at tuklasin kung paano ito magagamit upang magkaroon ng kalamangan sa mga laban sa Valorant.

Ethan ipinakita kung paano pigilan ang post-plant molly

Ethan Omen post-plant
Credit: 100 Thieves, ONE Esports

Napanood namin sa Twitch stream ni Tarik “tarik” Celik na na-clear ng mga defenders ang A-site sa Bind, maliban sa kalaban nilang Brimstone na naiwang buhay.

Habang magtatago sa Bath, nagtapon siya ng kanyang Incendiary molly sa mula sa smoke ni Omen, na magde-delay sa pag-defuse ng spike.



Advance mag-isip si Ethan kung kaya’t sinabi niyang haharangan niya ang molly ng kalabang Brimstone.

Inilapit niya ang kanyang agent sa harap ng A Bath at tamang-tama niyang nabutata ang Brimstone molly, na nagbigay-daan kay tarik na matapos ang pag-defuse.

Ang mga molly lineups sa Valorant ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maka-secure ng mga rounds sa mga post-plant situations, ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang mga character models mismo sa Valorant ay maaaring mag-block ng mga projectiles na ito.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.