Hindi na madalas mamataan si Cypher sa ngayon lalo na sa professional Valorant scene. Pero ipinakita ni Paper Rex standout Benedict “Benkai” Tan na epektibo pa rin ang Moroccan sentinel lalo na sa mapang Haven.

Sa kanilang group stage opener sa Valorant Champions 2022 kontra Edward Gaming, gumamit si Benkai ng mga matitinik na Cypher setups. Pinakakapansin-pansin ang kanyang setup sa A site na pumulbos sa kanilang mga kalaban.


Inubos ng Cypher setup na ‘to ni PRX Benkai ang EDG sa Haven A site

Benkai ng PRX
Credit: Riot Games

Sa Round 9, gumawa ng mabilis na A push ang EDG sa pamamagitan ng paggamit ng Prowler ni Fade sa A Short at kanyang Nightfall ultimate sa mismong site. Pero mukhang handa ang PRX para dito at iniwang bukas ang site.

Habang nagra-rush ang EDG papasok sa site, ilan sa kanilang mga miyembro ang napatid ng double Trapwire ni Benkai sa A Long. At kahit naka-smoke off siya sa A Heaven, nakuha ng PRX in-game leader ng mabilis na kills sa dalawang kalaban na nabunyag ang mga lokasyon dahil sa Trapwires.

Nagsilbing insurance policy ang double Trapwires dahil kahit masira ang isa, siguradong ‘di naman aasahan ng mga kalaban ang ikalawa.



Naiwan sa 3v5 situation ang EDG. At kahit naitanim nila ang spike, patuloy silang hinarass ng Cypher ni Benkai.

Na-tag niya ang kalabang Omen gamit ang Spycam na nakatago sa ilalim ng bubong na siyang nagbigay ng impormasyon kay Wang “Jinggg” Jing Jie (Reyna) nagfa-flank. Naroon na ang Spycam mula pa sa simula pero hindi ito ginamit ng PRX pro hanggang naging aktibo sila sa pag-retake.



Panghuli, isang Cyber Cage ang humarang sa mga kalaban na maaaring nagtatago sa Short na lalong nakatulong sa kanyang mga kakampi na mag-isolate ng duels.

Tuluyang naipanalo ng Paper Rex ang mapa sa iskor na 13-8 maging ang serye sa iskor na 2-1.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.


Hango ito mula sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.