Ang Valorant ay isang laro na nangangailangan ng mabilis na mga reflexes at strategic thinking. Isa sa mga karaniwang taktika ng mga manlalaro ay ang pag-flash sa kanilang mga kalaban. Nagdudulot ito ng pansamantalang pagkabulag sa kalaban dahilan para mas madaling silang mapatumba.
Pero paano kung may paraan para kontrahin ang flashes na ito? Dito papasok ang Poison Cloud ni Viper. Nahaharangan kasi ng ability na ‘to ang vision ng kalaban habang nililigtas ka mula sa mga flash.
Nagbahagi ng impormasyon sa Reddit ang isang manlalaro ng Valorant na nagngangalang “hippopanda” ukol sa Poison Cloud ni Viper. Aniya, nanyu-neutralize daw nito ang mga flash kung masasaktuhan ang pag-activate.
- Mga agent abilities ni Gekko: Isang initiator na kayang ma-control ang spike mula sa malayo
- Kyedae may bagong hairstyle, nagbigay ng importanteng health update sa kanyang mga fans
Paano i-counter ang mga flash gamit ang Poison Cloud ni Viper
Ipinapahiwatig ng mechanics sa likod ng counter flash na hindi magiging epektibo ang lahat ng klase ng flash na maa-activate sa loob ng area-of-effect ng Poison Cloud.
Kailangang ma-activate ang smoke sa sandaling magpa-pop na ang flash, kaya kailangan nilang makinig nang mabuti kapag ang flash ng kalaban ay paparating na. Maaari nga ring gamitin ang Poison Cloud ni Viper para i-counter ang pop flash ni Yoru.
Ang tanging agent na maaaring mag-flash sa loob ng Poison Cloud ay si Omen dahil ang kanyang Paranoia flash ay naglalakbay patagos sa target.
Para makontra ang flash ng kalaban, maaaring gamitin ang Poison Cloud sa pangkaraniwang direksyon kung saan ibinabato ng mga kalaban naturang ability.
Ang taktikang ito ay lalo pang epektibo laban sa mga kalaban tulad ng Phoenix at Reyna, dahil ang kanilang mga flash ay maaari lamang ihagis mula sa maikling distansya.
Ang mga flash nina Breach, KAY/O, Skye, at Yoru ay maaaring gamitin mula sa malalayong distansya, kaya mas mahirap itong hulihin sa loob ng Poison Cloud.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Debut ni Kyedae sa Disguised GC pinasabog ang viewership ng Game Changers