Lumabas na ang Episode 5 Act 2 battle pass ng Valorant at puro ito memes, cute gun bunnies na kinuhanan ng inspirasyon sa mga mythical animals, at isa sa pinaka-detalyadng skin lines na nakita natin sa isang battle pass.  

Ang Piedra del Sol skin bundle (na ang ibig sabihin ay Stone of the Sun) ay humugot ng kaniyang disenyo mula sa Aztec civilization at nagbigay buhay sa isa sa pinakamakisig na empire mula sa ancient world.  

Nagsulat ng panibagong developer blog ang weapons artist ng Riot Games na si Raquel Garcia na pinagusapan ang inspirasyon sa likod ng Piedra del Sol skin bundle na ito, at ikinwento niya ang design story sa likod ng bawat weapon. 

Kinuhanan ng inspirasyon ng Piedra del Sol skin bundle ang Aztec mythology 

Valorant Piedra Del Sol skin
Credit: Riot Games

Nagtatampok ng mga skins para sa Phantom, Judge, Bucky, Ghost, at melee ang Piedra del Sol na koleksyon. Na-impluwensya ng Aztec god na si Xolotl ang Ghost na kilala bilang isang human skeleton na may ulo ng aso. Ginabayan niya ang mga patay sa Aztec underworld na kilala bilang Mictlan.  

“I wanted to grasp an artistic feel for this gun that would represent him well and would also fit into today’s modern gaming world,” sabi ni Garcia. “After reviewing the initial concept, I felt that the face had more of a feline direction. I wanted this to appear more dog-like as the deity is described.” 

Mas pinabilog ni Garcia ang pisngi, pinatangos pa ang ilong, at nagdagdag ng mas bilog na mga mata, pinatili niya ang mga canine attributes ni Xolotl habang naging tapat sa orihinal na konsepto. 

Ang iba pang mga baril ay na-impluwensya ng mga Aztec gods. Ni-re-representa ng Phantom si Quetzalcoatl (Creation), ang Bucky naman ay Huitzilopochtli (Sun at War), at ang Judge naman para sa Tezcatlipoca (Night Sky). 

Nasa likod ng bawat baril ang mga mukha ng bawat god para masayang nakatitig sa player.  

“We worked closely with our Latin American office to decide on the faces for each gun and to find unique color palettes that best represent each weapon’s deity,” sabi ni Sammi Pedragon, Art Outsource Supervisor ng Valorant. 

Valorant Piera del Sol skin melee
Credit: Riot Games

Sa wakas, nakabase ang melee skin sa Aztec sun stone at Macuahuitl, isang historikal na Aztec wooden club na may obsidian stones bilang blade.  

Nagkaroon ng mga iilang pagsubok ang team sa pagbuo ng isang 3D model mula sa isang inityal na konsepto para sa Piedra del Sol skin bundle. “In our first batches of the weapons, the faces, in particular, would look really lopsided, small, or uneven compared to the rest of the details of the weapon,” sabi ni Pedregon. 

Ang ibig sabihin nito ay kinailangan nila itong I-rework at I-adjust ang bawat seksyon ng bawat weapon para maitugma ang parehas na maganda at detalyadong stonework na nakita sa kultura ng mga Aztec para sa Piedra del Sol skin bundle.  

Hindi ito ang unang beses na humugot ang Riot ng inspirasyon mula sa mga ancient myths at lore para makabuo ng disenyo ng weapon skin. Ang Sarmad skin bundle ay kinuhanan ng inspirasyon mula sa Egyptian mythology, kung saan ang bawat weapon ay ginawa base sa iba’t-ibang deity. 

Maari mong basahin ang buong blog dito