Natanggap ng Pearl ang unang major overhaul nito sa Valorant patch 5.06 matapos ilang buwan ng feedback mula sa community.

Ang mga pagbabago sa Valorant patch 5.06 ay ginawa para bawasan ang complexity ng paglalaro sa malawak na underwater city, sabi ni Community Lead Jeff Landa.

Halos kapareho sa ginawa ng Riot Games sa Split at Icebox ang inilapat sa Pearl kung saan binago ang ilang parte ng mapa upang mas madaling mag-clear ng angles at kumuha ng espasyo.


Nakatanggap ang Pearl ng katulad ng pagturing sa Split sa Valorant patch 5.06

Credit: Riot Games

Kahit na isang tradisyonal na three-lane map na walang madalas na gimik tulad ng ropes, teleporters o moving doors, madalas pa ring tignan bilang kumplikado ang Pearl.

Dahil maraming paliko-likong daan sa Mid at matataas na box na pinagtataguan ng mga kalaban, maraming nakakasabog-utak na anggulo ang kailangang i-clear na minsan ay nagdudulot ng ‘di kaaya-ayang barilan.

Ang magandang balita ay na-rework ang mga sulok na ito kaya mas kaunti na ang hiding spots para sa lurkers. Isa sa pinakamalaking pagbabago ay nasa B Main kung saan ang half wall sa cubby ay binabaan upang ‘di na makapag-crouch ang mga kalaban sa likod nito at maiwasan na makita. Dati ang ilang agents tulad ni Chamber ay hindi talaga nakikita ‘pag naka-crouch kaya kailangan mo ng ekstrang oras para i-clear ang corner habang ine-expose ang sarili sa mga kalaban sa B site.

Pearl B Main
Credit: Riot Games

Sa iba pang parte ng Pearl, ang Mid Shops ay may extended platform na ngayon imbes na stack ng mga kahon upang mas madaling mag-push sa lugar, ayon kay Landa. Ang football store dito ay may bush na sa gilid upang pigilan ang attackers na magtago dito at mapasimple ang pag-push mula Mid Plaza patungong Mid Shops.

Nawalan din ng sulok ang Mid Top. Dati ay may 50-50 angle dito kung saan maaaring magtago ang mga kalaban sa parehong gilid. Ngayon ang pader sa Mid Top ay tinulak papasok para ang mga attacker ay pwede lang manggalin sa kaliwa na medyo nagpadali sa mga defenders na i-challenge ang Mid.

Credit: Riot Games

Sunod, ang espasyo sa A Art ng Pearl ay sinimplehan at binuksan kaya mas madali na para sa mga manlalaro na umikot sa area. Pero ang mas crucial ay ang pagtanggal sa double stack ng wooden crates na nagtanggal sa isa pang corner na dapat i-clear.

Credit: Riot Games

Binago ang kahon sa B Link malapit sa Mid Door at ginawang mas maiksing stack ng mga kahon na hindi makakapagbigay ng cover sa attackers. Tatanggalin nito ang pressure sa defenders ‘pag magro-rotate sa B Link mula sa Mid Connector dahil ‘di na nila kailangang isipin kung may lurkers na nagtatago sa likod ng mga kahon.

Credit: Riot Games

Isa pang pagbabago sa B Link ng Pearl ay ang paglipat ng double stack boxers sa ibaba ng B Link mula kaliwa papunta sa kanan para simplehan ang bilang ng mga anggulo na kailangang ikonsidera ng players. Nangangahulugan din ito na walang Raze Showstopper o Sage Barrier Orb boost plays mula B Link patungong B Main.

Credit: Riot Games

Tinanggal ang maliit na cut-out sa pader ng A Main para gawing medyo madali para sa defenders na mag-aggro dito. Nabawasan ng isang cubby na kailangang i-clear at napadali ang pag-abante ng defenders na nais kumuha ng maagang kontrol sa mapa.

Panghuli, ang staircase mula A Main patungong A site ay mas masikip na. “By tightening the choke by a margin, we hope to make smoking easier and give a small buff to defenders,” paliwanag ng Riot.

Credit: Riot Games

Ginawa ang mga pagbabagong ito para maging mas balanse at mas madaling i-navigate ang mapa. Madalas na parang puno ng corridors at corners ang Pearl kaya naman ang adjustments ay dapat himukin ang players na mas maging handa sa pag-challenge ng key areas tulad ng A Art imbes na mag-funnel lang sa A o B Main.

Silipin ang kumpletong listahan ng mga pagbabago sa Pearl at iba pang updates sa Valorant patch 5.06 dito.

Para sa mga balita patungkol sa esports at gaming, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.


BASAHIN: Ipinaliwanag ng Valorant dev kung bakit hindi dapat nagfo-forfeit sa ranked