Nag-debut kamakailan sa VCT Pacific League si Patiphan Chaiwong ng Talon Esports sa ilalim ng kanyang bagong pangalan. Kilala siya noong bilang “Patiphan,” ngunit nagpasya siyang mag-rebrand at magpakilala bilang “patt.”

Sa kanyang edad na 19-taong-gulang, napatunayan na niya ang kanyang husay bilang isang professional player ng Overwatch at Valorant.

Gayunpaman, nang bumalik siya sa Valorant, napagtanto niya na oras na para mag-evolve.



Binago ni Patiphan ang kanyang in-game name sa patt

Hindi mo na siya pwede tawaging Patiphan—ito ang paliwanag ng Talon Esports star
Credit: Talon Esports

Matapos matalo ng Talon Esports, 2-1, laban sa Team Secret noong unang linggo ng VCT Pacific League, nakapanayam si Patiphan ng ONE Esports Thailand.

Ipinaliwanag niya ang dahilan sa likod ng kanyang bagong pangalan, na siyang nagbigay linaw kung bakit niya tinanggap ang kanyang bagong pagkakakilanlan sa laro.

“หลังจากนี้ผมจะไม่ใช้ชื่อ Patiphan อีกต่อไป ผมจะเปลี่ยนชื่อ เพราะว่าไม่อยากจะแบกชื่อตัวเองไว้กับตัว” aniya.

(Mula ngayon, ‘di ko na gagamitin ‘yung pangalang Patiphan. Papalitan ko pangalan ko dahil ayokong dalhin ng pangalan ko ang sarili ko.)

Sinabi niya sa ONE Esports Thailand na ayaw niya nang dalhin ang kanyang pangalan sa Valorant, ngunit mananatili pa rin ang kanyang pangalan sa kanyang mga social media.

“ต่อจากนี้ผมจะล็อคทุกอย่างทั้ง อารมณ์ ร่างกาย ทุกสิ่งทุกอย่าง เพราะมันคือเวลาที่ผมต้องฝึกฝนตัวเองอีกรอบ ตอนนี้ผมแข่งกับตัวเองเรียกว่าเริ่มใหม่ละกัน “ paliwanag pa niya.

Hindi mo na siya pwede tawaging Patiphan—ito ang paliwanag ng Talon Esports star
Credit: Riot Games

(Simula ngayon, ila-lock ko na ang lahat—emosyon, pisikal, lahat—dahil oras na para mag-ensayo ako ulit. Ngayon, kalaban ko na ang sarili ko. Tawagin natin ‘tong ‘fresh start’.)

Unang nakilala ang professional Valorant player dahil sa kanyang husay sa Overwatch. Isa siya sa pinakahinahangaang DPS players noong Overwatch Contenders Season 1.

Lumaban siya sa Overwatch World Cup 2018 Bangkok Qualifier, kung saan nagtapos ang Thailand sa ikalimang pwesto laban sa mga nangungunang international teams.

Lumipat si Patiphan sa Valorant noong 2020 dahil sa age restriction na inimplementa sa Overwatch League (OWL).

Hindi mo na siya pwede tawaging Patiphan—ito ang paliwanag ng Talon Esports star
Credit: Riot Games

Hindi rin nagtagal para makatapak si Patiphan sa entablado ng international tournaments ng Valorant matapos niyang maka-qualify sa Masters Reykjavik at Valorant Champions noong 2021.

Noong sumunod na taon, nagbalik siya sa Overwatch at nakuha ang mga panalo sa parehong OWL Kickoff Clash at Midseason Madness bilang miyembro ng koponan na Los Angeles Gladiators.

Matapos manalo sa isang global Overwatch tournament, nais ng esport prodigy ng Thailand na magbalik sa Valorant at tumutok sa Valorant Champions Tour. Sumali si Patt sa Talon Esports bago mag-umpisa ang VCT 2023 season.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: PRX f0rsakeN ibinahagi kung paano maging best duelist ala ‘W-Gaming’