Magkakaroon na ng panibagong itsura ang competitive Valorant sa VCT 2023 season. Maghahatid ang Riot Games ng tatlong bagong international leagues, kung saan ang Americas, Europe, at Asia ang magiging premier level ng pro Valorant bilang parte ng kanilang bagong partnership model.
Ang mga ligang ito ang magiging host sa kompetisyon sa pagitan ng mga best players at top-tier organizations ng mundo sa LAN, at gaganipin ito sa harap ng mga live audiences sa iba’t-ibang parte ng mundo.
At para sa pinakamatapang na desisyon nia, magpapatupad ang Riot ng isang partnership model para sa Valorant, tulad ng sa League of Legends.
Ang kicker ay hindi hihiling ng kahit anong partisipasyon o franchising fees para makakuha ng pwesto sa isa sa mga international leagues na ito, kasalungat sa mga milyon-milyong organisasyon na nagbayad para makakuha ng slot sa LCS o LEC. Sa katunayan, magbibigay pa ng pinansyal na suporta ang Riot sa mga napiling teams.
Hindi hihingi ang Riot Games ng franchising fees ang bagong partnership model
Ang mga international leagues na ito ay magiging top-level, week-over-week na kompetisyon sa Valorant esports ecosystem. Ito rin ang magiging bagong paraan para maka-qualify ang mga teams para sa Masters at Champions global tournaments.
Ang bawat league ay may teams mula sa iba’t-ibang rehiyon base sa kalapitan. Kasama as Americas league ang North America, Latin America, at Brazil. Ang Europe, Russia, Turkey, at MENA naman ang kasama sa European league, habang ang Southeast Asia, Korea, Japan, South Asia, at Oceania ang magiging pangatlo at huling league.
Sa pagpatuloy na paglaban ng mga teams sa parehas na rehiyon, asahan mong makakakita ka pa ng mas maraming tunggalian.
Para matiyak ang representasyon ng lahat ng rehiyon, pipili ang Riot ng mga teams sa bawat league sa ilalim ng bagong partnership model. Sa buong 2022, magsasagawa ng isang selective application process ang Riot para malaman ang tamang long-term partners.
Unang naisagawa ang partnership model noong 2017 para sa League of Legends sa North America. Hinayaan nito ang dalawang teams at Riot na mag-invest ng isang iisang vision para sa esports, at pagkatapos ay na-roll out na siya sa Europe, China, Latin America, Korea, Brazil, at Turkey.
“Players have benefited from larger salaries and more robust support systems, while teams have been able to plan multiple years into the future,” sabi ng Riot.
“A formal relationship with teams has enabled us to collaborate closely on ambitious events and digital experiences to create a deeply engaging esports experience.”
Sa ibang dayo naman ng mundo, nagtatayo na ang Riot ng mga domestic leagues para sa mga rising talents na gustong maglaro sa international leagues. Isang bagong competitive game mode ay hahayaan masubukan mismo ng mga amateur players at teams ang makipaglaban sa best players ng kanilang rehiyon, at para na rin magkaroon sila ng bagong goal maliban sa ranked play.
Maari mong basahin ang mga detalye sa pagbabago ng Valorant ecosystem sa VCT 2023 dito.