Ang pangalan ng susunod na Valorant agent ay antuklasan ng walang takot na Valorant dataminers.
Si Agent 20 ay tatawaging Fade, ayon kina ValoraLeaks at Shiick, isang nababagay na callsign para sa agent na matagumpay na kumilos nang hindi nila namamalayan.
Kung sakaling nagdududa ka na ang bagong agent ay ang blackmailer na nahuli ng Valorant Protocol sa Istanbul, nadiskubre din ng mga dataminers ang isang maikling paglalarawan ng agent na nagkukumpirma na siya nga ay Turkish.
Ang susunod na Valorant agent ay tatawaging Fade
Si Fade ay isang initiator na may mas “localized” information-gathering abilities, at ang kanyang kit ay nakasentro fear o takot.
“Bury your fears, or she will hunt them. Fade, Valorant’s new Turkish Agent, stalks her prey with equal parts terror and tactics. Go ahead, try to hide,” ayon sa kanyang agent description.
Matagal-tagal na ring nagpapahaging ang Riot Games tungkol sa bagong agent na ito. Kasalukuyan siyang nagpaparamdam sa practice range, yun ay kung may lakas ka ng loob na magpunta sa opisina ni Brimstone.
Ang official Valorant Twitter account ay naglalabas rin ng mga animated clips ng iba’t-ibang agents na nasa magkakaibang estado ng takot at pagkabalisa, malinaw na senyales na paparating na si Agent 20.
Dagdag pa dito, ang tema ng kasalukuyang ginaganap na VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022 tournament ay “Nightmare”. At dahil naglabas ng Neon teaser ang Riot Games sa grand final ng Champions 2021, hindi malayong mamataan din natin ang bagong initiator sa Iceland.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.