Pinutol na ng OpTic Gaming ang run ng Zeta Division, matapos nilang walisin ang Japanese squad 3-0 sa lower bracket final ng Masters Reykjavik 2022. 

Binuhat ang North American squad ng kanilang mahusay na controller player na si Jimmy “Marved” Nguyen na pinangaralan bilang MVP ng match dahil sa mga galaw niya sa Haven. 

Nagtala ng panibagong kill record ang 22-year-old sa Masters Reykjavid, matapos mag-drop ng 35 kills sa Haven para matulungan makapag-comeback ang team niya at makuha ang mapa 15-13. Matapos matalo sa isang mapa na nagmukhang sure win na, napanghinaan na ng loob ang Zeta sa Fracture at Bind, kaya nanalo ang OpTic sa 13-5 at 13-8 wins. 

Binuhat ni Marved ang OpTic Gaming laban sa Zeta Division 

Valorant OpTic Gaming
Credit: Riot Games

Matapos matalo sa matikin na serye laban ang Brazilian powerhouse na LOUD sa upper bracket, hinarap ng OpTic ang ultimate underdog team na Zeta Division sa isang best-of-five lower bracket final. 

Na-eliminate ng Japanese squad ang Team Liquid, DRX, at Paper Rex sa tournament. Nagmukhang maganda ang porma ng Zeta sa simula ng match at napanalo nila ang unang limang rounds sa Haven. 

Nagmukhang naliligaw ang OpTic at naghabol sila sa Japanese squad 5-11. Napanalo ng Zeta ang parehas na pistol rounds, at nanalo pa sa half-buy rounds laban ang OpTic para makabuo ng momentum. 

Ang pagkatalo sa isang eco round ay nakakapanghina ng loob sa Valorant dahil sa malaking deperensya sa firepower ng dalawang teams. Ang isang squad na nag-invest ng malaking credits para sa kanilang weapons at abilities ay madaling mananalo sa mga kalaban na pistol at half-shields lang ang gamit. Ang isang pagkatalo sa isang kalaban na nag-sa-save ay maaring makasira sa economy ng team at malagay sila sa isang disadvantage. 

Ngunit para sa North American squad, nahanap ni Marved ang kaniyang laro sa pangalawang half ng map. Na-clutch ng 22-year-old Canadian pro player ang mga kritikal na rounds para sa team niya para buhatin ang OpTic sa isang comeback. 

Nagmukhang matatalo na naman ang OpTic sa isang Zeta eco dahil four rounds ang kulang nila sa Haven, matapos mapitas ni Yuma “Dep” Hashimoto si Jaccob “yay” Whiteaker sa A Short. Nagmukhang ipaglalaban ng OpTic ang A site na dinedepensahan ng tatlong Zeta players. 

Ngunit binaliktad ni Marved ang round noong nakahabol siya kay Dep na umatras para I-hold ang rotate. Tumakbo siya sa C site para ma-plant ang spike ng may iilang segundo na lang ang natitira. Sinugod siya ng mga natitirang Zeta players mula sa C Link, ngunit napatumba ni Marved silang lahat. 

Sa sumunod na round, napanalo ni Marved at yay ang isa pang crucial round na nagumpisa sa comeback ng OpTic. Noong nasa isang delikadong 2v4 post-plant situation na ang OpTic, pinigilan nina Marved at yay ang pag-retake ng Zeta sa pamamagitan ng pag-hold ng mga agresibong angles na hindi inasahan ng Japanese team. 

Sa buong mapa, mautak na ginamit ni Marved ang kaniyang mga smokes at eksakto ang pagsilip niya para makakuha ng mga kills. Ang kaniyang skills bilang controller ay naging mahalaga sa comeback ng OpTic dahil sa kaniyang pagikot sa mapa gamit ang Shrouded Step ni Omen para magulat ang Zeta. 

Tinapos ni Marved ang laro ng may ACS na 342 at KDA na 35/16/8 sa 15-13 overtime win ng OpTic sa Haven. 

“I think my team gave me time to really understand how [Zeta] were moving around the map. I think late game, like after halftime, I kind of understood where to find my timings and how to win these rounds,”sinabi niya sa isang post-match interview. “I just kind of knew what was going on at all times.” 

Maari mong makita ang schedule ng Masters Reykjavik 2022 dito. Lahat ng matches ay ipapalabas sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.