Narito na ang DPC Regional Finals para sa North America at China, kung saan tampok ang top four teams mula sa bawat rehiyon para paglaban-labanan ang US$100,000 at 380 Dota Pro Circuit points.

Pero aling koponan nga ba ang mangingibabaw?

Kung sa tingin mo ay alam mo ang sagot, maaari kang manalo ng 12-month subscription sa Dota Plus.

Madali lang sumali!

Ni-level up namin ang Fantasy experience at meron na ngayong dalawang paraan para makapaglaro: Pick’Em at Live Fantasy.

Ano man ang format na piliin mo, maaari kang makakuha ng Fantasy Tokens. Sa dulo ng bawat turneo, ang 10 manlalaro na may pinakamaraming Fantasy Tokens mula sa paglalaro ng Live Fantasy o Pick’Em ay mananalo ng Dota Plus subscriptions.

  • 1st place — 12-month subscription
  • 2nd to 4th place — 6-month subscription
  • 5th to 10th place — 1-month subscription

Paano laruin ang ONE Esports Fantasy Pick’Em

Bago magsimula ang bawat laban, maaari kang makakuha ng Fantasy Tokens sa paglalaro ng Pick’Em.

Kailangan mo lang i-predict ang sagot sa tatlong tanong tungkol sa paparating na laban:

  • Sino ang mananalo?
  • Aling koponan ang makakakuha ng mas maraming kills?
  • Ilang Roshan ang mapapatay?

Pag-isipan nang mabuti ang inyong predictions dahil kailangan niyong makuha nang tama ang bawat sagot para makakuha ng points.

Paghahati-hatian ng mga manlalarong makakakuha ng tamang sagot ang 3,000 Fantasy Tokens.

Halimbawa, kung 10 manlalaro ang nakasagot nang tama sa lahat ng tatlong tanong, makakuha ang bawat isa ng 300 Fantasy Tokens, pero kung limang manlalaro lang ang nakakuha ng tamang sagot sa lahat ng tatlong tanong, ang bawat isa ay makakakuha ng 600 Fantasy Tokens.

Paano laruin ang ONE Esports Live Fantasy

Live Fantasy ang pinakabagong fantasy experience ng ONE Esports.

Pwede mo itong laruin habang nangyayari ang laban, narito kung paano.

Sa bawat laban, pwede kang gumamit ng resources para magdagdag ng players sa roster mo. Sa tuwing nakakakuha ng kills, assists, at objectives ang players mo, makakuha ng points ang team mo. Mas maraming points ang makukuha kung mas maganda ang performance ng players mo.

Ang Live Fantasy player na makakakuha ng pinakamaraming points pagkatapos ng laban ay mananalo ng Fantasy Tokens.

Paano gumawa ng roster

Sa simula ng bawat Live Fantasy match, magsisimula ang bawat manlalaro Level 1 at bibigyan din ang mga ito ng 100 Resources na pwedeng gamitin para makapagdagdag ng players sa roster.

Para makapagdagdag ng players sa roster, sundin lang ang mga sumusunod na steps:

  1. Pindutin ang Resource cost sa kanan ng bawat player sa team menu.
  2. Ang napiling player ay madadagdag na sa iyong roster. Pwede ring magkaroon ng higit sa isang kopya ng parehong player. Para gawin ito, i-click lang ang ‘+’ sign sa napiling player.

Maaaring tumaas o bumaba ang Resource cost ng bawat player depende sa kanilang performance.

Manalo ng one year Dota Plus subscription sa ONE Esports DPC Regional Finals Fantasy Challenge

Ang pagpapalit ng roster at ang frozen rosters

Pwede kang magdagdag o magtanggal ng players sa iyong roster sa habang nangyayari ang laban hanggat meron kang sapat na resources. Ang tanging oras lang na hindi mo pwedeng baguhin ang roster mo ay kung Frozen ang team at roster menus.

Nangyayari ‘to tuwing may malaking pangyayari sa loob ng laban gaya ng team fights. ‘Pagtapos ng team fight, babalik naman sa Unfrozen ang status ng mga menu at maaari mo na ulit i-modify ang iyong roster.

Manalo ng one year Dota Plus subscription sa ONE Esports DPC Regional Finals Fantasy Challenge

Pag-level up at pagkuha ng resources

Maaari kang mag-level up gamit ang points na nakukuha mo sa kahabaan ng laban. Kaakibat ng pagle-level up ang mas maraming resources na maaaring gamitin para sa ‘yong roster. Mas mataas na level, mas maraming resources, at mas mataas ang potensyal para makakuha ng mas maraming points.

Information Tabs (Desktop)

Makikita dito ang ilang impormasyon tungkol sa Live Fantasy na makatutulong sa ‘yong pag-level up. Ilan dito ay ang rules, leaderboards, milestones, at match events na maaaring makita sa mga tab sa ilalim ng stream.

Manalo ng Valorant Points sa paglalaro ng ONE Esports VCT 2022 Stage 1 Fantasy Challenge

Information Tabs (Mobile)

Kung sa mobile ka naman naglalaro ng Live Fantasy, maaaring mahanap ang information tab sa main Navigation Menu button. I-select lang ang information tab na gusto mong makita.

Manalo ng one year Dota Plus subscription sa ONE Esports DPC Regional Finals Fantasy Challenge

Pagkatapos ng bawat laban, made-determine sa leaderboard kung ilang Fantasy Tokens ang nakuha mo:

Manalo ng one year Dota Plus subscription sa ONE Esports DPC Regional Finals Fantasy Challenge

Magsisimula ngayong araw ang DPC Regional Finals Fantasy challenge.

Handa ka na ba maglaro? Mag-sign up na dito!