Ikokontrata na ng NRG Esports ang isang top European player sa kanilang Valorant roster, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.
Sinasabing minamata ng North American organization na ito si FunPlus Phoenix star Ardis “adiis” Svarenieks. Naging parte ng championship run ng FPX ang 24-year-old sa lower bracket ng Masters Copenhagen, kung saan tinalo ng team ang mga mas experienced na kalaban noong nag-international debut sila.
Naiwang naghahanap ng mga panibagong teams ang mga FPX players matapos hindi makakuha ng isang partnership slot ang Chinese organization sa EMEA league sa susunod na taon.
Inaasahang mapupunta sa Natus Vincere ang core ng squad, isang partnered organization, maliban na lamang kay ardiis.
Ikokontrana umano ng NRG Esports si ardiis
Naglabas na ng apat na players ang NRG para magbigay daan sa isang kumpletong roster overhaul sa pagdating ng VCT 2023 at Americas league.
Si Sam “s0m” Oh ang natitirang player sa orihinal na roster, at sinasabi ng mga reports na kukunin ng organisasyon ang OpTic Gaming trio na sina Pujan “FNS” Mehta, Ausin “crashies” Roberts, at Victor “Victor” Wong.
Bilang fifth player nila, mukhang papasok sa kaniyang role bilang Chamber main si ardiis. Naging parte ng tagumpay ng FPX sa nakaraang taon ang Latvian player na ito gamit ang French sentinel. Ngunit nagpakita rin siya ng kapabilidad sa ibang agents tulad nina Jett at KAY/O.
Naging parte ng ibang top teams din si ardiis noon, tulad ng G2 Esports. Naging parte rin siya ng orihinal na fish123 roster, kung saan ang core nito ay naging Team Liquid.
Hinahayaan ng VCT 2023 roster rules ang isang maximum na isang import player mula sa labas ng league, kaya hindi na makakahakot ng iba pang players ang NRG mula sa labas ng Americas.
Naiwan sa labas ang NRG halos buong 2022, kung saan hindi nakapag-qualify ang kaniyang roster sa mga international events.
Ang kanilang bagong roster ay magkakaroon ng apat na players na may subok na track record sa pinakamalaking entablado ng Valorant. Naging kampeon ng Masters Reykjavik ang OpTic at naka-place sa top three sa Copenhagen at Champions, habang nanalo naman sa Copenhagen ang FPX at nagtapos sa fourth place sa Champions.
Gaganapin ang international debut ng NRG sa February sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.