Hindi namangha ang Masters Copenhagen champion sa 2-0 upset win ng Filipino squad laban sa Team Liquid sa ikapitong araw ng tournament.

Ang European player ng NRG Esports na si Ardis “ardiis” Svarenieks ay nagbahagi ng kanyang mga saloobin sa tournament run ng Team Secret sa VCT LOCK//IN.

Hindi rin siya fan ng pagtawag ni Jessie Cristy “JessieVash” Cuyco sa mga players ng Team Liquid na “kids who are easy to read” pagkatapos ng panalo ng Secret.

NRG Esports ardiis nag-callout sa Team Secret matapos ang VCT LOCK//IN run

ardiis NRG Esports VCT Lock//In
Credit: Riot Games

Matapos matalo ang NRG nang 2-1 sa elimination match laban sa LOUD sa ikalimang araw ng VCT LOCK//IN, bumalik si ardiis sa North America, kung saan nagsimula siyang regular na mag-stream sa Twitch.

Sa kanyang pangalawang stream, sinuri ng European star ang mga squad na lumahok sa unang international Valorant LAN event ng 2023 at ibinahagi ang kanyang tapat na opinyon tungkol sa Secret.

“Team Secret is abysmal compared to Team Vitality,” sabi niya.

Nagulat din si ang NRG pro na nag-callout si JessieVash, ang pangalawang pinakamatandang player sa tournament, sa mga players ng Liquid sa post-game press conference ng Secret pagkatapos ng laban.

“This guy was throwing shade out,” sabi niya. “He was just happy to be there.”

“I’m not hating on him bro, but he should be happy to be there, and that’s in the nicest way possible,” patuloy niya. “He’s 33, and he’s the best player. Exactly my point.”



Sinabi ni ardiis na ang pag-eliminate ng NAVI sa Secret 2-0 sa ikasampung araw ng VCT LOCK//IN ay isang inaasahang resulta.

Ang NRG Esports at Team Secret ay naghahanda para sa kanilang paparating na international league run. Kung ang NRG at Secret ay matatapos sa top three sa kani-kanilang mga liga, ang parehong mga koponan ay maaaring makasagupa ang isa’t isa sa ikalawang international LAN event ng taon sa Masters Tokyo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.