Ang ika-18 playable agent na si Neon ay dinisenyo para maging alternative kay Jett dahil sa kanyang speedrun at slide.
Gamit ang kanyang signature ability na High Gear, kaya nyang tumakbo ng mas mabilis at makapag-slide sa mga kanyo, tulad ng sa Call of Duty. Nangangahulugan na kaya ni Neon na makapag-rotate nang mas mabilis upang gulatin ang mga kalaban na kumukuha ng space at map control.
Ngunit hindi pa rin napagdedesisyunan kung may lugar ba sya sa kasalukuyang Valorant meta. “Neon is awful,” ayon kay Asuna ng 100 Thieves dahil kelangan pa nya ng tulong ng mga initiator agents tulad ni Breach.
“I don’t think this character is going to be insane in the meta or anything,” komento naman ng sikat na streamer na si Michael “shroud” Grzesiek habang tine-testing ang agent.
Ang maraming kritisismo ang nag-uugat sa limitadong kit ni Neon. Halimbawa, maaari lamang syang mag-slide kapag naka-hold ang “W” key, na nangangahulugang magagawa nya lang ito kung tumatakbo sya paabante. Sa kabilang banda naman, kaya ni Jett na mag-dash sa kahit anong direksyon na nais nya.
Ngunit napag-alaman namin na hindi ganoon kalimitado ang kanyang kit. Meron syang ilang bagong mechanics na natuklasan kamakailan lang. Kung kaya’t pinasya naming gumawa ng guide kung paano ma-execute ang kanyang High Gear combat slides nang patagilid at paatras bilang isang mechanic na magagamit upang makatakas sa mga delikadong sitwasyon.
Valorant Neon High Gear guide: Paatras, patagilid, at double slide
High Gear paatras
Medyo tricky ang paatras na slide o backward slide, at nangangailangan ng eksaktong timing para magawa ito.
Merong dalawang paraan para gawin ito. Habang tumatakbo, tumalon paabante, at pindutin ang “S” at right-click sa sandaling bago ka lumapag. Isa sa mga problema sa pagsubok ng paraan na ito ay ang pag-slide ng maaga, kaya nangangailangan ito ng tamang timing at ilang subok bago magawa nang tama.
Narito ang isang video guide mula sa YouTube user na si GloKaze:
Pwede ka rin mag-slide nang paatras na hindi tumatalon, ngunit mas mahirap itong magawa. Kelangan mong pindutin ang “S” at right-click bago mawala ang slide prompt, na sobrang hirap gawin.
High Gear patagilid
Ang slide na patagilid o sideway slide ay medyo kapareho ng jumping backslide, pero mas malaki ang window ng execution nito.
Kapag nasa High Gear, tumalon paabante at pindutin ang “A” o “D”, tapos right-click. Magi-slide ka sa direksyon na nais mo pag lapag mo mula sa pagtalon.
Hindi sya kasindali ng dash ni Jett, ngunit magiging kapakipakinabang ito para sa mga makakapag-master ng medyo komlipkadong mechanics ni Neon.
Hindi nakalabas ang baril ni Neon habang tumatakbo, kung kaya’t halos wala syang depensa. Ang mabilis na pagbabago ng direksyon ang maaring magdikta kung makakakuha ba kayo ng entry kill o mapipitasan ang inyong team, tulad nang pag nakaabang ang mga kalaban sa lalabasan mo.
Double High Gear
Kaya ring mag-double slide ng Filipino speedster upang mas malayo ang marating, kung naka-ready ang kanyang ultimate ability na Overdrive.
Tulad ng ipinakita sa video sa itaas ni REVEN Valorant, nagre-refresh ang kanyang slide pag na-activate ang kanyang ultimate, kung kaya’t pwedeng gamitin ang High Gear nang dlawang magkasunod na beses kung gagamitin ang Overdrive sa unang slide.
Ang mga sliding techniques na ito ay situational lamang, at hindi ito kailangan masterin upang magamit ng maayos si Neon. Isa pa rin syang agresibong duelist na simbilis ng lintik, at nasasabik kaming makita – kung papalarin – na makita syang gamitin sa parating na Valorant Champions Tour Qualifiers 2022.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.